"Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Draco at tinignan kami. Tumawa lamang nang mahina sina Elfrida at Treyni sa aking tabi nang makita nilang tumabi si Nola sa akin. Iniwas ko na lang ang aking tingin dahil ayaw ko naman na kung ano-ano na lang ang isipin ni Nola. Alam kong may ibang iniisip ang mga ito, at alam ko rin na may gagawin na naman itong si Nola, na mas lalong gugulo sa isipan nila. Marahas na buntong hininga ang aking ibinuga bago nagsimulang maglakad. Hindi pa rin pala nagbabago ang posisyon namin. Nasa harapan pa rin si Draco kasama si Sam, kasunod naman nito sina Elfrida, Treyni at Lauriel. Sumunod naman ako at si Nero, tapos sa likuran naman namin sina Nola, Dark at Minerva. Hindi ko alam kung bakit gusto nila sa likuran pero bahala na. "Mukhang mahabang-habang lalakarin pa

