Nagdaan lamang ang halos dalawang oras pagkatapos nang huling labanan at oras na para sa pag-angat nang aming ranggo sa listahan ng aming guro. Tahimik lamang akong naka-upo rito sa isang tabi habang inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko na naman ang naka-ngiting Minerva na nakikipag-usap sa kaniyang mga alagad sa isang tabi. Hindi ko nga alam kung anong pinag-uusapan nila ngunit sigurado ako na ang pina-plano ng mga ito ang gusto nila gawin ngayong araw. Wala naman akong pakealam kasi sigurado naman akong hindi ako nito mapapatay, nandito ang aming guro at nagbabantay. Sa oras na may gawin itong ikakasama sa akin ay panigurado malalagot ito. Ayaw na ayaw ni Minerva na umalis sa paaralan kaya panigurado ay pangangalagaan nito ang kaniyang imahe. Hindi ko man alam kung paano

