Sa mga sumunod na araw ay naging mas abala ako. Kasabay kasi sa pag-aasikaso ng aming nalalapit na kasal ay sinasabay ko ang pagpasa ng requirements para sa aking promotion.
Ngunit sa hindi malaman na dahilan ay may nararamdaman ako na parang hindi maganda. ‘Yung pakiramdam na sobrang ninenerbiyos ako kahit wala naman dapat ipag-alalala.
“Hindi kaya ito ang tinatawag nilang wedding jitters?” hinala ko na lang at pinaypayan ang sarili ng aking kamay, “Woaah… it’s real. Sobrang kinakabahan na siguro ako dahil sa malapit na ako na ikasal.”
Para kumalma ay naisipan ko na tawagan na lang si Roman. Baka sakali kasi na marinig ko ang boses niya ay umayos na ang pakiramdam ko.
Ngunit nakailang dial na ako nang hindi man lang sinasagot ito ni Roman at sa halip ay ini-end niya ang aking call. Sa ilang taon namin na naging magkarelasyon ay ito ang unang beses na hindi niya agad sinagot ang tawag ko.
Napakunot ako ng noo habang nakatitig sa screen ng aking phone. “Busy kaya siya?” napapaisip kong sambit, “Pero ang sabi niya ay naka-leave siya ngayon dahil sa pupuntahan niya ang simbahan para tignan kung hindi nabago ang schedule ng kasal namin.”
Dahil sa hindi pagsagot ni Roman sa aking tawag ay lalo tuloy ako nakaramdam ng matinding kaba. Pakiramdam ko talaga may maling nangyayari. 'Yung parang may isang dagok na darating sa aking buhay na dapat mapaghandaan.
Hanggang sa iniling iling ko ang aking ulo at binatukan ang aking sarili. Mali kasi na mag-isip ako ng negatibong bagay. Wala naman dahilan para magkaroon ng problema ang aming kasal. Dahil sa una pa lang ay sobrang masusi na inayos ko ito. Walang detalye ako na pinalampas. Dahil nais ko na maging perpekto ang kasal naming na ito.
“Ano ka ba, Maxine? Baka busy lang si Roman o baka naiwanan niya ang phone niya kaya hindi niya masagot ang tawag mo?” pangungumbinsi ko na lang sa aking sarili.
Doon ay inayos ko ang aking postura. Ngunit pag-angat ko ng tingin ay agarang napasimangot ako. Sa lahat lahat naman kasi nang makakasalubong ko sa oras na ito ay si Mr. Estillore pa.
“Good day, Miss Hidalgo,” walang ka-emo-emosyong pagbati naman sa akin ni Mr. Estillore nang magtapat kami sa daan.
“Hmmph! Ano ang masaya sa araw kapag nakikita ka, Mr. Estillore?” hindi natutuwang sambit ko at harapang inirapan siya.
Napatikhim naman si Mr. Estillore dahil sa inakto ko na iyon sa kanya. “You still hate me huh…” hindi makapaniwalang sambit niya, “Wala naman ako maalala na ginawa para kagalitan mo ko ng ganyan, Miss Hidalgo. All those projects were won by my capabilities.”
“Tch. Sorry Mr. Estillore. Tama ka na wala kang ginawa na masama sa akin pero pasensiya na rin dahil anuman ang gawin ko ay hindi ko kaya na maging mabait sa iyo,” mataray kong sambit na pagdadahilan, “Makita ka pa lang ay sobrang nasisira na ang araw ko.”
Napahawak naman ng kanyang baba si Mr. Estillore. “Well sorry, Miss Hidalgo, imposible na hindi mo ko makatagpo… Our work are related,” prangkang pagpapaalala niya.
“Not anymore… Sooner or later ay ma-pro-promote na ako,” taas noong sambit ko, “Habang ikaw ay mananatili sa posisyon mo.”
Sandali na natigilan si Mr. Estillore nang mabanggit ko ang tungkol doon. Normal lang na maging apektado siya dahil isang malaking oportunidad ang nawawala ngayon sa kanya.
“That’s true…” pagsang-ayon niya, “Congratulations by the way in your promotion, Miss Hidalgo.”
Hindi makapaniwala na napatitig ako sa mukha ni Mr. Estillore. Hindi man lang kasi nagalit ito sa akin pagkatapos ko ipamukha sa kanya ang promotion ko.
“Hindi ka ba naman nanghihinayang?” tanong ko, "Dahil hindi ka mapro-promote sa dahilanan ng top management na hindi ka pa kasal."
“Siyempre nanghihinayang,” agarang pag-amin niya, “Pero wala naman ako magagawa sa pagkakataon na ito. Hindi ako kasal para mabigyan ng prioridad sa promotion.”
Mariing napakuyom ako ng aking kamay. Dahil kahit alam ko na naungasan ko siya sa pagkakataon na ito ay tila hindi ko pa rin siya matatalo.
“Hmmmph! Kung ganoon ay maghanap ka na ng babae na mapapakasalan mo. Malay mo next year ay ikaw naman ang ma-promote,” pagbibigay payo ko na lang sa kanya, “You are not getting younger, Mr. Estillore. It’s time for you to build your own family.”
Sandali na natahimik si Mr. Estillore ngunit gayun pa man ay kataka taka ang ginawa niyang paninitig sa aking mukha.
“I don’t think I will be married,” seryosong sambit niya at napaiwas ng tingin sa akin.
“Ha?” hindi ko makapaniwalang bulalas, “Don’t tell me ikaw ang tipo ng tao na against sa marriage?”
“I’m not,” agarang pagkontra naman niya.
“Ganoon naman pala! Bakit sinasabi mo riyan na hindi ka na ikakasal?” napipikon kong sambit.
“You really want to know?” mapaghamon naman niyang tanong sa akin, “Why? Are you interested in my life now?”
Dahil doon ay ako naman ang natigilan. Wala nga naman dahilan para alamin ko ang kanyang dahilan. Tsaka bakit ba ako nangingialam sa buhay niya? Mas mabuti nga na hindi siya maikasal habang buhay para hindi na ma-promote pa ang katulad niya.
“Tch. Huwag mo na pala ipaalam pa. Wala naman din akong pakialam eh,” pagtatapos ko na lang ng usapan, “Grabe. Ilang minuto lang kita nakausap ay tila sobrang na-stress na ako. Pakiramdam ko ay naging haggard agad ko.”
Nagkibit balikat naman si Mr. Estillore at hindi na kinontra ang sinabi ko na iyon. “Hmpph! Sige, alis na ako dahil naaalibadbaran na ako sa iiyo,” muling pagtataray ko pa.
Doon ay nagsimula na ako maglakad palayo sa kanya. “Wait Miss Hidalgo,” biglang pagtawag sa akin ni Mr. Estillore.
Nakasimangot na nilingon ko naman siya. “What?”
“I just want to congratulate you in your marriage,” taos pusong sambit ni Mr. Estillore, “I hope that you will be happy with your partner.”
Napanganga naman ako. Doon ay si Mr. Estillore ang tumalikod sa akin at iniwan ako roon na natulala mula sa kanyang hindi inaasahan na pagbati.