CHAPTER 3

1583 Words
(Two days before the wedding) "Urrrgh!” asar na asar na bulalas ko na may kasama pang pagpadyak dahil na rin sa sobrang pagkainis na nararamdaman sa oras na ito. Paano ba naman ay alas nuwebe na ng gabi nang ako ay nakapag-out sa opisina. Iyon ay dahil sa hindi ko namalayan ang oras sa dami ng aking dapat tapusin na trabaho. Kailangan ko naman tapusin ang mga iyon dahil naka-leave ako bukas para sa aking nalalapit na kasal. “Arggh… Kakainis! Nanadya yata itong si Mr. Estillore! Bakit bigla na lamang niya naisipan ipasa ang ilang trabaho sa team ko!” pagrereklamo ko sa kawalan, “Alam naman niya na ikakasal ang tao eh! Sabi na eh may mali kaya nag-congratulate siya sa kasal ko. Balak pala niya muna ako pahirapan! Siguro masama talaga ang loob niya dahil mapro-promote ako at hindi siya!” Dahil anong oras na rin ay padabog ako na naglakad palabas ng aming opisina. Katulad ng aking inaasahan ay wala na masyadong tao roon. Hanggang sa matigilan ako sa aking paglalakad dahil nakaabang sa harapan ng elevator ang taong pinaka-hindi ko gusto makita sa oras na ito. "Pauwi ka na rin ba, Miss Hidalgo?” tila nang-iinis pa na tanong ni Mr. Estillore sa akin. Inis na inirapan ko siya. "Acting innocent ka pa riyan," asar kong sambit. "What did I do this time?” walang ideya na tanong naman niya sa akin at umakto na parang iniisip ang anuman atraso niya sa akin. Nameywang ako at pinagtaasan siya ng kaliwang kilay. "Sige nga, bakit mo ipinasa sa team namin ang ilang trabaho niyo," inis na sambit ko sa kanya, "Alam mo naman siguro na naka-leave ako bukas 'no?” Napapitik naman si Mr. Estillore na tila na ngayon niya lang naalala ang ginawa niyang iyon. "Oh," sambit pa niya, "Sorry about that. Medyo kulang na kasi ang team namin sa manpower kaya humiling ako kay Boss Jeffrey na patulungin ang team niyo. Wala naman ako intensyon na masama sa bagay na iyon. Nagkataon lang na kailangan talaga ng team namin ng tulong niyo." Kung hindi lang masamang manakit ay nakatikim sa akin ng isang malakas na tadyak si Mr. Estillore. Hindi niya kasi muna itinanong ang opinyon ng team namin bago siya lumapit kay Boss Jeffrey. Siyempre kung ang boss ang may utos ay may magagawa pa ba kami kundi sumunod, di ba? "Tch, " sumusukong bulalas ko na lang. "Are you on leave tomorrow?” biglang pag-alala ni Mr. Estillore ngunit iwas ang tingin sa aking mga mata, "Oh, sorry, I forgot that you're getting married the next day." "Yes," madiin kong pagpapa-alala sa kanya, "Kaya kung may ipapagawa ka pa at huwag mong asahan na sasagutin ko ang mga tawag niyo. Bigyan niyo naman ako ng time ma-enjoy ang aming honeymoon." Naramdaman ko na natigilan si Mr. Estillore sa sinabi ko na iyon ngunit isinawalang bahala ko na lang iyon. Sakto naman kasi na bumukas ang pinto ng elevator at walang lingon lingon na iniwan ko si Mr. Estillore roon. *** (A day before the wedding) Dahil minsan lang ako makatikim ng leave ay anong oras ko na rin naisipan bumangon sa aking kama. Kailangan ko kasi bumawi ng lakas mula sa ilang araw ko na puspusan na pagtra-trabaho. Tsaka kailangan ko rin mag-beauty rest dahil bukas na ang aking kasal. Hindi pwede na maging haggard ako at may eyebags sa aking special day with my soon-to-be-husband. "Good morning," masayang pagbati ko naman kina mama at papa nang makababa ako mula sa aking kwarto. Abot tenga naman ang ngiti na sinalubong sa akin ng aking magulang. Siyempre katulad ko ay excited na ang mga ito sa aking kasal. "Good morning, my baby girl," madamdamin pang sambit ni papa at buong higpit na niyakap ako. "Hep, hep, papa, bukas pa ang kasal ko at baka ngayon ka na umiyak," pabiro kong sambit sa kanila. Natawa naman sila. "We are so happy for you, Max," masayang sambit naman ni mama, "Parang kailan lang ay karga karga kita at pinadedede. Bukas ay ihahatid ka na namin sa altar." "Ma!” natatawang suway ko sa kanya, "Isa pa kayo. Bukas na tayo mag-drama-han ng ganyan." "Ito naman. Nagpra-praktis lang kami ng mama mo para bukas," pabirong sambit naman ni papa bago malambing na inakbayan si mama. Napangiti ako dahil sa magulang ko unang nasaksihan ang buhay mag-asawa na punung puno ng pagmamahal sa isa't isa. Ito ang dahilan kaya umaasa ako na darating ang araw na makakatagpo rin ako ng lalaki na mamahalin ako ng ganito. At hindi naman ako nabigo dahil nakatagpo ko si Roman Chavez noong kami ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Ngayon ay nasa pitong taon na rin ang aming pagiging nobyo at nobya. Aaminin ko na may panahon na sinubok ang pagmamahal namin sa isa't isa ngunit gayun pa man ay ito ang siyang nagpatatag sa aming relasyon. Masuwerte rin na pareho namin na nakamtan ng kanya kanyang career na aming pinapangarap. Kaya ito na rin ang tamang panahon para kami ay mag-settle down at bumuo ng aming sariling pamilya. Doon ay naupo na ako sa hapag-kainan para kumain ng breakfast. Ngunit bago pa iyon ay tinignan ko muna ang phone ko para alamin kung may message sa akin si Roman. Hanggang sa napakunot ako ng noo dahil wala ako natanggap na mensahe na 'Good morning' sa kanya sa araw na ito. Sa loob ng pitong taon naming magkasintahan ay ito ang unang beses na hindi niya ako pinadalhan ng ganoong mensahe. "Oh anak?” pagpansin ni mama sa akin, "Bakit sandamukal ang mukha mo riyan?" Pilit na ngumiti naman ako. "Hindi kasi nag-good morning sa akin si Roman," sumbong ko naman sa kanya. Malakas na humalakhak naman sina mama at papa. "Hayaan mo na," sambit nila, "Baka naman busy si Roman dahil kasal niyo na bukas. Malay mo nagpapa-miss lang din iyon sa iyo dahil bawal kayo magkita bago ang inyong kasal." Humugot naman ako ng malalim na hininga bago malakas na pinakawalan ito. Nakaramdam na naman kasi ako ng masamang kutob. Ngunit iniling iling ko rin sa huli ang ulo ko at nag-isip ng mga positibo na bagay. Baka kasi na-pra-praning lang ako sa oras na ito. Baka sadyang busy lang si Roman kaya nakalimutan niyang i-message ako. Kailangan ko intindihin iyon dahil hindi ako mababaw na babae na gagawing isyu ang ganitong kasimpleng bagay. Doon ay sinimulan ko na nga kumain. Lalo pa na may mga appointment ako na kailangang puntahan sa araw na ito. Aba kailangan ko magmaganda para sa kasal ko bukas. Kaya nagpa-appointment ako sa salon para magpa-manicure at pedicure with matching footspa pa. Magpapa-trim at treatment na rin ako ng buhok para sumusunod sa galaw ko ang hairdo ko. Siguro magpa-facial na rin at kung anu ano pa. "What a beautiful bride!” papuri sa akin ng hairstylist na nag-trim ng aking buhok pagkatapos ng ilang oras na session ko sa kanilang salon. Siguro mga alas kwatro na rin ng hapon ngayon. Lahat na siguro ng libag at kalyo ay natanggal na nila sa katawang lupa ko. "Well, well, well," may kayabangan ko pang sambit, "Ang gandang ito ang humuli lang naman sa puso ni Roman." "Tumpak!” masayang pagsang-ayon naman nila sa sinabi ko, "Congrats ma'am!” "Don't forget the time ha," bigla ko pagpapaalala sa hairstylist. Dahil noon pa man, tiwala ako sa galing ng kamay nila sa pag-make up at pag-ayos ng buhok kaya siyempre sila na rin ang kinuha ko mag-ayos sa akin sa aking kasal. "Oo girl, kung pwede nga ngayon pa lang ay nasa bahay niyo na kami," sambit nila, "Aba ilang taon ka ring suki ng aming salon 'no kaya saksi kami sa pagmamahalan niyo 'no. Congrats ulit, girl." Napatawa naman ako. Tapos saglit na nakipagkwentuhan pa ako sa kanila bago ko naisipan na umalis ng kanilang salon. Habang palabas ako ng mall ay muli sinilip ko ang aking phone at nagbabaka-sakali na may mensahe sa akin si Roman. At katulad kanina ay wala pa rin ako natatanggap mula sa kanya. Talagang pinanindigan niya na walang ni-ha o ni-ho sa akin sa araw na ito. "Hay... Wala naman siguro masama kung tawagan ko siya," pagplano ko. Doon ay dinial ko na ang numero niya. Ngunit nakakailang ring pa lang ay in-end niya ang tawag ko. "What the heck?!” hindi ko makapaniwalang sambit sa ginawa na iyon ni Roman, "Anong trip na ito ni Roman? Promise, hindi nakakatuwa." Humugot ako ng malalim na hininga bago muling idinial ang numero ni Roman. Ngunit katulad kanina ay in-end lang niya ang tawag ko. Sa inis ay kulang na lang magsumigaw ako roon. Ngunit pilit ko kinalma ang aking sarili. "Fine, kung hindi ko siya matawagan ay si Denise ang tatawagan ko," pagplano ko muli. Si Denise ay nakababatang kapatid ni Roman. Kaya tila kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Ngunit katulad ni Roman ay hindi niya sinagot ang tawag na siyang mas nakakapagtaka. "S-Sana surprise lang ito," kinakabahan kong bulong sa hangin, "A-Ako ay talagang ninenerbyos na." Hanggang sa mapangiti ako nang makita na si Roman na nga ang tumatawag sa akin sa oras na ito. Marahil hindi niya rin ako nagawang tiisin. Nanginginig man ay dali dali ko na sinagot ang tawag niya. "Ro---" 'Sorry Max.' pagputol niya sa aking pagbati. "What do-" 'I'm really sorry, Max.' Pagkatapos ay walang kung anu ano ay muli niyang pinatay ang tawag. And this time ay 'cannot be reached' na ang kanyang numero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD