CHAPTER 4

1484 Words
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa tapat ng bahay nina Roman. Basta sa oras na ito ay gusto ko masagot ang mga tanong na lumalaro sa aking isipan. Kung ano ang ibig sabihin na iyon ni Roman. Kung bakit siya nagso-sorry sa akin. "Roman!” malakas ko pagtawag sa labas ng bahay nila, "Roman! Love!" Aaminin ko sa oras na ito ay gusto ko na maiyak dahil sa magkahalong takot at kaba na nadarama. Ngunit pilit ko pa rin tinatatagan ang loob ko hanggang hindi ko pa nalalaman ang totoong nangyayari. "Roman!” muling malakas na pagtawag ko at sinimulan na kalampagin ang kanilang gate, "Roman please! Harapin mo ko! " Kita ko na nagsimula na sumilip mula sa kani-kanilang bintana ang ilang chismosa nilang kapitbahay. Ngunit sa oras na ito ay hindi mahalaga ang aking imahe o ang kanilang opinyon sa ginagawa ko. Mas importante sa akin na makaharap si Roman at paliwanagin siya sa ibig sabihin ng kanyang tawag. Kaso kahit ilang pagkalampag ang gawin ko ay walang Roman na lumalabas sa kanilang bahay na siyang lalong nagpapa-kaba sa akin. "Roman! Please! Hindi magandang biro ito!” nanginginig ko muli na pagtawag, "Roman naman eh!” Hanggang sa narinig ko na unti unti na nagbukas ang gate nila. Doon ay unti unti ako nabigyan ng pag-asa. Umaasa ako na si Roman ito at sasabihin lamang na isang prank ang ginawa niyang iyon. Ngunit salungat sa aking inaasahan ang nangyari dahil hindi si Roman ang lumabas kundi si Denise na mugto ang mga mata mula sa ilang oras na pag-iyak. "D-Denise...?” nanginginig ko na pagtawag sa kanya, "U-Umiyak ka ba?” nag-aalala na pagpansin ko sa kanya. Doon ay malakas na humagulgol sa harapan ko si Denise at nanghihina na napaupo habang nakahawak sa kanilang gate. "A-Ate Max..." pag-iyak pa niya. Mabilis na nilapitan ko si Denise at niyakap. "Bakit ka umiiyak, Den?” pag-alo sa kanya, "Sssshhh tahan na." Naramdaman ko na mahigpit na niyakap ako ni Denise na tila ba sa oras na iyon at bigla ako mawawala sa harapan niya. Para siyang isang bata na naghahanap ng aruga sa oras na ito. "A-Ate Max... " paghagulgol pa muli niya habang mahigpit na nakayakap sa akin, "P-Please, please..." "Den?” naguguluhan ko pang sambit, "Please talk to me. What is happening? Why are you crying?” Ngunit kaysa sagutin ang tanong kong iyon ay lalo lang lumakas ang iyak niya. Tila ba wala siyang lakas para sabihin sa akin ang anumang dahilan ng pag-iyak niya. Hanggang sa paglipas ng ilang sandali ay tila nakaipon na siya ng lakas bago dahan dahan niya inabot sa akin ang gusot na papel na hawak hawak niya. Sa hindi malaman na dahilan ay malakas na kumabog ang puso ko sa kaba. Tila ba laman ng papel na iyon ang masamang balita. "A-Ano ito, Den?” nanginginig ko pang sambit at natatakot na tignan ang nakasulat sa papel na iyon. "A-Ate... " muling pag-iyak ni Denise at nanginginig na inilapit sa kamay ko ang papel na hawak niya. Kaso sa sobrang takot ay hindi ko magawang tanggapin ito mula sa kanya. "P-Please a-ate..." nanghihina na sambit ni Denise. Nagpabalik balik ako ng tingin kay Denise at sa papel na hawak niya. Nagpakawala muna ako ng tatlong malalim na hininga bago buong lakas na inabot ang papel na hawak niya. Nang iniharap ko ito sa akin ay ramdam ko ang mahigpit na paghawak muli sa akin ni Denise. Napakagat labi ako dahil ang papel na iyon ay naglalaman ng sulat kamay ni Roman. Hinding hindi ako maaaring magkamali dahil alam na alam ko ang stroke ng sulat niya. Ayoko sana basahin ang anumang nakasulat dito ngunit alam ko na ito ang magbibigay sagot sa kakaibang kilos ni Roman nitong mga nakalipas na araw at kung bakit umiiyak ngayon si Denise. 'Max, my love,' Ito ang siyang bungad sa kanyang sulat na siyang nagpapigil sa aking hininga. Sandali ko na itinigil ang aking pagbabasa. Hindi ako tanga para hindi malaman na hindi ko magugustuhan ang susunod na mga nakasulat doon. Gayun pa man ay kailangan ko maging malakas at harapin ang anumang gusto iparating ni Roman sa akin. Nang sa ganoon ay hindi ako tuluyan masiraan ng ulo. Nang makabawi ng kaunting lakas ng loob ay muli ko itinuloy ang aking pagbabasa. ’We have been together for seven years. I know that this is the right time for us to get married. But as our wedding approaches, the more I realize that I am not ready. I love you, you know that, but please forgive me because I am not ready for us to get married.’ Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko sa isinulat niyang iyon. Hanggang sa maramdaman ko na unti unti na pumatak ang pinipigilan kong mga luha sa mata. 'I still have many dreams that I want to pursue. I still have many things I want to achieve. I think getting married is not the answer at this time. Instead, it will be an obstacle to what I want to do.' "What the hell..." hindi makapaniwalang naibulalas ko dahil sa aking nabasa na iyon, "So he thinks I'll be an obstacle to his dreams?" Tingin ko naman sa loob ng pitong taon ay pinakita ko naman sa kanya kung gaano ako kasuporta sa nais niyang gawin. Kaya bakit kailangan niya gawin sa akin ito sa oras na ito? Bakit hindi niya na lang ako kinausap at hinarap na ayaw pa niya magpakasal? Maiintindihan ko naman kung ayaw pa niya magpakasal. 'By the time you read this letter, I will probably be far away. I know that this will hurt you deeply, but I hope that you will also understand why I did it.' 'So I hope you can give me time to do what I want with my life. I promise that by the time I return, I will be ready to marry you and start a happy family.' 'Love, Roman.' Nang matapos ko mabasa ang sulat ni Roman ay sandali ako natulala sa kawalan. Pilit sini-sink in ng utak ko ang nangyayari. Umaasa ako na masamang panaginip lamang ito at maya maya ay magigising ako na hindi totoo pala ang lahat ng ito. "A-Ate..." muling paghagulgol ni Denise ay mahigpit na niyakap ako. Hanggang sa kinurot ko ang aking braso baka sakali kasi na magising na ako sa bangungot na ito. Ngunit kahit ramdam ko ang sakit ng aking kurot ay tila namamanhid ang buong katawan ko. Para ba wala ng mas sasakit pa sa ginawang ito sa akin ni Roman. Iniwan niya lang naman ako sa ere. Isang araw bago ang aming kasal. "Ha, ha, ha," parang baliw na pagtawa ko sa aking sarili. "Ate!” hindi malamang gagawin ni Denise dahil para ako isang baliw na tumatawa habang umiiyak. Durog na durog ang puso ko pero tila inalis nito ang lahat ng emosyon sa aking katawan. Na tila ito na lang ang magagawa ko para protektahan ang aking sarili. "He left," iyon lang ang tanging naibulalas ko, "He left me hanging before our wedding day." "A-Ate..." pag-iyak ni Denise, "I know that Kuya Roman is wrong but please forgive him. Mahal ka niya! Alam ko iyon! Please just give him time. Please understand him.” Katulad ni Denise ay gusto ko unawain si Roman sa oras na ito. Gusto ko tanggapin ang desisyon niya. Gusto ko sabihin sa sarili ko na patawarin siya at hintayin na lang ang kanyang pagbabalik. Ngunit sa kanilang banda anong mali na ginawa ko para gawin niya sa akin ito? Kailangan ko ba paghawakan ang nilalaman ng sulat na ito? Na babalik siya at magiging maayos na ang lahat. Nang sa oras na bumalik siya ay mawawala ang sakit na ibinigay niya sa akin sa oras na ito? Buong akala ko na pareho naming desisyon ang pagpapakasal naming ito. Wala ako maalala na pinilit ko siya o ano. Siya ito nag-propose sa akin na siyang buong galak ko naman na tinanggap. Anong isip ang gawin ko ay hindi ko kayang gawin ang gusto nilang gawin ko sa oras na ito. Dahil ako ang sasalo ng lahat. Hanggang sa dahan dahan ko iniling ang ulo ko at kinalas ang yakap sa akin ni Denise. Kita ko ang matinding takot sa mga mata niya. Kaya binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti. Isang ngiti ng taong sobrang nasasaktan sa sandali na iyon. "Sorry Den..." sumusukong sambit ko, "With what Roman did, I don't know if I can still accept him. Also, think about my position as a woman who was left by her groom the day before their wedding. Do you think it's that easy to accept Roman back now that he has ruined our seven-year relationship. It will only hurt both of us more. So the moment he left me, he ended our connection. He no longer has Max to go back to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD