HDM-01
“Yes, you are. Indeed.”
Hindi ko mapigilang komento sa nabasa kong confession story sa isang page.
So what kung magalit ‘yung sender sa’kin?!
Kahit pa i-pm niya ako ngayon ora mismo at ratratin ng masasakit na salita, wala akong pake, period.
Naging prangka lang naman ako sa tanong niya kung.. horrible person ba siya?
Eh..totoo naman kasi talaga na horrible person siya. Kasi biruin mo, may girlfriend na siya tapos pumatol pa sa iba? At ang nakakainis pa, sa bestfriend pa talaga ng girlfriend niya! Langya hindi na nahiya. Walang konsensya!
Mga lalaki talaga, konting lingat lang ng partner nila, lalandi na sa iba. Nakakabwesit. Pare-pareho na lang hindi mapagkakatiwalaan. Haynaku!
At saka sa page siya nag-confess ng story niya so dapat, aware naman siguro siya sa mga positive and negative comments na mababasa niya sa bawat makakabasa nito. Kaya h’wag siyang magalit-galit sa akin at baka..mabarang ko siya nang wala sa oras!
Pero infairness, ang galing niyang magsulat, ha. Especially when it comes to BS. Detailed at saka nakakaturn on talaga.
Hindi siya jejemon na kagaya ng iba na basta na lang maisulat ang totoong karanasan nila. Wala nang maintindihan kundi puro na lang ungol para lang masabing ganun kasarap ang ginagawa nila. Puro na lang "ughh!" Ang hahaba pa na akala mo talaga nakakabasa ng panty, leche!
At isa pa, spoken dollar besh, my gosh! Nakakangarag ng utak! Jusko po rudy sumasakit ang ulo ko lalo na sa mga malalalim na english.
Kahit si pareng google, isusumpa niya ako kung maya't maya ako nagpapa-translate sa kanya kapag hindi na talaga kinaya ng utak kong lutang.
Pero sino kaya ang sender na ito? Nakaka-curious, ha. Hindi kaya si Christian Grey siya at naligaw lang? Magpapalahi talaga ako kung siya nga.
Hmm.. teka, hindi kaya…writer ang sender na 'to at naligaw lang sa page para lang mailabas ang sekreto niya? At siguro, matinding konsensya na ang nararamdaman at hindi na makatulog tuwing gabi kaya ayun, nilabas na para naman gumaan kahit papano ang pakiramdam.
Haynaku ewan! Bahala siya sa buhay niya kung sinuman siyang Poncio Pilato siya at kung saang planeta pa siya nanggagaling. Basta isa lang ang masasabi ko sa kanya, horrible person siya period!
Umalis na ako sa comment section matapos kong magcomment at nagpatuloy sa pag-scroll para mawala ang antok ko. Kanina pa kasi ako hikab nang hikab pero ayaw kong matulog dahil may pupuntahan ako mamaya-maya lang. Baka gabi na naman ako magising nito at tatamarin na naman.
Ako nga pala si Maddi Santos, simple lang pero matindi ang saltik. 28 yrs old, at nagtatrabaho sa hotel. Pero sa ngayon tindera muna ako ng mama kong maganda dahil day off ko ngayon.
Bunso at nag-iisang babae sa apat na magkakapatid. Yeah, puro mga barako ang mga kapatid ko at kahit hindi ako mayaman bantay sarado ako nila. Daig ko pa ang disney princess sa trato nila kahit ganitong may boyfriend na ako.
Nagbabalak na nga pala kaming magpakasal pero siya lang iyon dahil wala naman akong balak magpakasal talaga.
Hindi naman kasi ako naniniwala sa totoong pag-ibig. Wala kasing ganun. Lalo na sa panahon ngayon na normal na lang ang cheating kaya in the end, salamat pa rin sa lahat ang ending.
"Maddi.."
Napahinto ako sa pagpindot nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni mama.
"Yes, mother earth?" sagot ko pero hindi ako lumingon sa kanya.
"Kumusta na kayo ni Jace?"
Sumimangot ako at tahimik na nagbuga ng hangin.
"Ayos naman po kami. Medyo busy lang siya kasi panay OT kaya hindi pa nakakapunta dito," sagot ko at mabilis na tingin ang ginawa ko sa kanya.
"...baka bukas po pupunta na siya." Pahabol ko para hindi na siya magtanong pa.
Ang totoo kasi, nag-aaway kami ni Jace noong isang araw pa. Hindi ko alam kung bakit mainitin na ang ulo niya ngayon kahit wala namang rason. Wala naman akong nilalanding lalaki kaya wala akong makitang dahilan na ikinagagalit niya.
Pero napapansin ko na talaga na mainitin na ang ulo niya at madalas ang pagsasabi niya na busy siya na dati naman ay hindi dahil dalawang oras lang naman daw ang overtime nila.
So nakakauwi na siya nang maaga. Pero ganoong oras, ni isang chat, wala akong natanggap sa kanya. E, alam ko naman na ganoong oras, online siya.
Ayaw ko naman magtanong sa kanya at baka isipin niya, pinagdududahan ko naman siyang may ibang babae. Alam ko na naman ang sasabihin niya sa akin, paranoid lang daw ako. Kaya ayaw ko nang magtanong at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Lumaki pa ang away namin. Ayaw ko nang gulo dahil nakakaumay makikipag-away.
Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan kong tumayo na at kumain. Pero napatigil din ako nang makita kong mayroong sad reaction sa notification ko.
"Yadry Lucero…" walang boses kong bigkas sa pangalan ng nag-sad react sa comment ko.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang kumabog ang puso ko na hindi ko maintindihan. Pero iba ang dating.
Kaya naman dali-dali kong pinindot ang notification para makita ko kung sino siya.
New follower. Alam kong bago siya sa page dahil ngayon ko lang siya nakita sa ilang buwan kong pakikipag-bardagulan dito.
Hindi kaya siya 'yong sender? Kasi sad reactions, eh.
Ano? Nasaktan sa naging comment ko? Eh, totoo naman, ah.
Ayaw ko man gawin, pero in-stalk ko 'yung account niya.
"If it makes you happy, it doesn't matter if it doesn't make sense to anybody else.."
Hmm..nice. Pero lonely ang taong 'to sigurado ako. Halata naman kasi.
Tinignan ko ulit ang profile picture niya at maging ang cover photo. Hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil halatang, maganda ang taste niya.
Saka mahilig siya sa motor, ha. Lalaking-lalaki ang dating. Nakaka-curious talaga siya.
Who are you, Yadry Lucero? And what brought you here? Are you real? Tama kaya ang nabubuong imahe mo sa isip ko? Na katulad ka ng super crush kong si Christian Grey ng FSOG? How about your confession story? Totoo kaya ang mga 'yun? Huwag naman sana please, ang pangit kasi. Nakakaturn-off sa totoo lang. Ang cheater mo kasi.
Mga katanungan ko sa aking isipan habang nakatutuk ang mga mata ko sa kanyang fake profile picture lalo na sa mga mata nito. Para kasi siyang nakatitig din sa akin na halos hindi na kumukurap…sa galit?
"Maddi!"
Napahinto lang ako sa pagtitig nang marinig ko ang kinaiinisan kong taong tumawag sa akin kaya naman nakasimangot akong lumingon sa kanya.
"Ano?" Masungit kong tanong kay Boknoy, ang dakilang lasinggero sa kanto at higit sa lahat, pinakababaero rin na lalaking kilala ko dahil iba't ibang babae ang nakikita kong kasama niya.
"Ang ganda mo. Lalo na't–"
"Alam ko, matagal na!" Suplada kong putol sa kanyang sasabihin pa.
"Maddi." Rinig kong saway ni mama pero nagbingi-bingihan ako. Bastos na kung bastos pero sumusubra na yata ang lalaking ito.
Nilapag ko muna ang cellphone at tagpo ang kilay kong hinarap siya.
"Ano na naman ang kailangan mo? Kung alak na naman, hindi na kami nagtitinda niyon kapag ikaw at uutangin mo lang din. Ang haba na kaya ng listahan mo sa utang. Mas mahaba pa sa dila ng aswang. Puro ka na lang utang pero hindi ka naman nagbabayad kahit may pera ka!" Sermon ko sa kanya.
"Maddi, bunganga mo." Saway ulit ni mama sa akin pero hindi ako nagpatinag.
"Gumagastos ka nga sa mga babae mo sa motel, tapos utang mo dito kay mama hindi mo mabayaran! Ang kapal, ha? Ilang layer na ba ‘yang mukha mo?" Gigil kong patuloy na sabi kay Boknoy.
"Maddi!" Biglang sigaw ni mama kaya gulat akong tumingin sa kanya.
Galit siyang nakatitig sa akin at halatang hindi niya nagustuhan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
"Sabi nang bunganga mo. Nakakahiya sa tao." Mahina pero ramdam ko ang pinipigil niyang galit.
"Eh, Ma, totoo naman po kasi–" katwiran ko pero napahinto ulit ako nang makita kong dumilat ang mata niya.
"Tumigil ka na, Maddi, ha."
"Okay lang, aling Myrna, huwag niyo po siyang pagalitan dahil totoo naman po ang sinabi niya. Pasensya na po, magbabayad po mamaya kapag pumasok na po ang sahod ko sa ATM." singit ni Boknoy sa aming usapan ni Mama.
Hindi ako kumibo at hindi rin ako lumingon sa kanya dahil na kay mama ang tingin ko. Nakakatampo kasi kinampihan pa niya ang palautang.
"Sige po, aling Myrna, mamaya na lang po at babalik po ako upang magbabayad.”
“Maddi..sorry, ha."
Rinig kong sabi niya pero isang pasada ng tingin hindi ko pa rin ginawa sa kanya. Bwesit siya! Badtrip talaga lasinggero na ito.
Wala pang isang minuto, umalis na siya sa harapan ng tindahan at saka pa lang ako tumingin nang masama sa kanya. Parang ang sarap niyang batuhin ng kutsilyo nang makaganti man lang sa ginawang sermon sa akin ni Mama.
"Nakakabwesit talaga. Madapa ka sana at masubsob." Tahimik kong hiling habang gigil na nakatingin sa kanyang likuran.
Kaya rin galit ako sa kanya dahil bastos kung magkasalubong kami. Niyaya ba naman akong mag-motel daw kami minsan dahil matagal na raw siyang may gusto sa akin. Kahit nga may kasama siyang babae ayaw paawat. Kapal talaga ng mukha. Akala mo, gwapo ang yawa!
"Sorry po, Ma." Hingi kong paumanhin kay mama na tahimik lang na nakatingin sa akin pero hindi ko na nakita ang galit niyang mukha katulad kanina.
"Sige po, kakain po muna ako."
Paalam ko bago kinuha ang phone at lumabas na nga sa tindahan saka pumasok muna sa kwarto dahil sa inis kong nararamdaman.
"Hay..bwesit!" Hindi ko mapigilang sigaw matapos kong makapasok sa kwarto at pabagsak na mag-dive sa bed saka binaon ang mukha sa unan dahil sa pagka-asar ko.
Napahiya ako dahil sa Boknoy na 'yun leche! Mabawasan sana ng tatlong inches ang kanya para layasan siya ng mga babaeng kasama niya.
Gigil na gigil talaga ako at humanda siya sa akin kapag nagkita kami at araw ang bibilangin ng sermon niya sa akin.
Sunod-sunod na inhale at exhale ang ginawa ko para kumalma ang dugo ko sa kapalmuks na Boknoy na 'yun. Anemic ako pero mukhang tataas ang dugo ko sa malibs na 'yun.
Ilang minuto na ang nagdaan pero mukhang hindi talaga ako kakalma kaya inabot ko ang phone at naisip kong mag-scroll na lang ulit at baka mawala na itong asar ko.
Hindi naman ako nabigo dahil may nakita akong nag-mention sa akin na isa sa mga naging kaibigan ko sa page.
Agad ko itong pinindot at natawa ako nang mabasa iyon. Puro kasi kabastusan na lang ang topic namin.
Ilang minuto pa, may nakita ulit akong notification na nag-heart react sa comment ko.
"Jigz." Ang pangalan niya.
Siya ba ang sender?
Hindi ko siya kilala pero alam ko, matagal na siyang commentator sa page. Pero imposibleng siya ang sender ng confession. Wala sa character niya at minsan, jejemon ang words niya.
Kaya sigurado talaga ako na hindi siya pero itong si Yadry..baka nga pwede pa.
Tinignan ko ulit ang account niya..bago lang talaga siya dahil kailan lang din siya nag-update ng profile at cover photo niya. Mukhang kagagawa lang ng account niya.
Ilang minuto pa, may nakita akong may nagsend ng message request. Ayaw ko sanang pansinin dahil katulad ng iba, mga manyakis lang din naman iyan at puro libog lang naman sa katawan ang gusto. Walang kwenta.
Nagbabasa pa ulit ako ng iba pang mga comments at hindi ko na mapigilan ang matawa sa mga nababasa ko. Ang babastos talaga at wala ng common sense. Puro kamanyakan na lang talaga. Pero gayunpaman, na-curious talaga ako sa nag-message na 'yun. Sino kaya 'yun?
Ayaw ko man, pero ang kamay ko ay ayaw na paawat para silipin kung sino iyon. At ganun na lamang ang gulat ko nang makita kung sino iyon.
"Yadry Lucero…?" Gulat kong bigkas nang makitang siya ang nag-message sa akin.
Pinindot ko agad at binasa ang message niya.
"Saan banda 'yang Chiyoda? Japan?"
Huh? Ano bang pinagsasabi niya? Aba malay ko! Baliw ba siya? Ano ako, si google map? Bahala ka sa buhay mo, doon ka kay Dora magtanong h'wag sa akin dahil mainit ang ulo ko!
Agad kong in-exit ang mensahe niya nang hindi nireplyan saka nilapag sa higaan bago tumayo dahil nagugutom na talaga ako.
Bahala ka sa buhay mo Yadry Lucero! Huwag mo akong paghanapin sa lugar na iyon at baka kakainin kita ng buhay!