Viktoria’s POV
The interview happened smoothly thank God.
We’re now back home. Pareho kaming nakaupo sa sofa ngayon. His tie is now crooked and my hair’s in a mess.
“Mas gusto ko na ata ‘yung tahimik ang kasal natin. Much more peaceful.” Simula ko.
“Hm? Sa una lang naman sila mag iingay niyan.” Sinilip ko siya at nakitang nakapikit lang pala siya.
Tumayo na ako at nakita ko kung paano dahan-dahan binuksan ni Elijah mga mata niya para tignan ako.
“Tara, pahinga na tayo.” Aya ko sa kaniya. Inalok ko ang kamay ko sa kaniya na kung saan gusto ko sanang hawakan niya at magpahila sa akin.
Ginawa naman niya ang gusto ko kaya hinila ko na siya dahan-dahan papunta sa kwarto namin. Pinauna ko na siyang maligo dahil alam kong antok na antok na siya. Katapos niya ay mabilis lang ako sumunod pero kalabas ko ng banyo ay natutulog na si Elijah sa kama.
I smiled at him. I haven’t got the chance to thank him dahil mula nang maging mag asawa kami he made everything at least bearable for the both of us kahit pareho kami nabigla pa rin. He has done nothing but to just to take care of me throughout the whole month.
At some point medyo kilala ko na siya. Kinuha ko ang comforter namin at inayos ko ang pagkakakumot sa kaniya bago ako pumunta sa side ko at nahiga. The whole month was a roller coaster of emotions for me. I’m still hurt I can’t deny that and I loved that he doesn’t bother or doesn’t looked bothered at all regarding my past. I looked at him and I slightly leaned to him.
I brushed his hair softly. Dahan-dahan para hindi siya magising. Wala siyang ginawa kungdi ang alagaan ako bilang asawa niya. I loved that he made me comfortable with him.
I smiled a bit remembering our moments. I leaned a bit to kiss his cheek but I was taken aback when he pulled me closer to him by my waist. Hugging me. I looked at him and saw he’s still asleep.
Hindi na ako makaalis sa yakap niya dahil ang isang binti niya ay nakapatong din ngayon sa mga binti ko. His arm draped over my waist. His face closer to mine.
Hinayaan ko na lang muna kaya ilang minuto lang din ay nakatulog naman ako sa yakap niya.
I woke up that morning nang wala na si Elijah sa tabi ko. Alam niya kaya na nag… cuddle kami? For the first time since we’re married, it was the very first cuddle rin talaga. Kinakabahan tuloy ako.
I checked the time and saw it was almost time for work. Bumangon ako para mag ready na at katapos ay pumunta na ako sa dining. Ayun siya. Nagkakape na at nakitang nakapagluto na rin ng almusal.
“Good morning,” bati niya.
I looked at him intently. Natatandaan kaya niya? “Good morning,” ngiti kong bati.
“Pinagtimpla na kita ng kape mo.” Turo niya sa baso ko at natuwa naman ako nang makita na iced coffee siya. Umupo na ako sa dining at hindi ako mapakali dahil nga iniisip ko yung kung paano kami nakatulog kagabi.
“Sa office ko sainyo ako ngayon.” Sambit niya at tumango naman ako.
“Malapit na matapos ang inital plans niyan.” Tukoy ko sa big project. “Mag p-present na tayo sa Friday sa mga Ledesma then hopefully minor revisions na lang.”
Tumango naman si Elijah doon.
Sabay na kami pumasok ni Elijah since sa building nga namin siya ngayon. Natuwa naman ako nang makita na nags-start na ang construction sa bridge ng building namin. Gagawin kami naming connecting building na ang VC at PADC and it was possible naman. Para kapag kailangan pumunta sa VC ay hindi na lalabas mismo ng building.
“Tobiyang?”
Napalingon ako sa tawag na ‘yon at nagulat ako nang makita ang dati kong kaklase noong college.
“Hi, Durch!” Ngiting bati ko at nagulat ako nang yakapin niya ako.
“Musta?!” Tanong niya.
“Okay naman. Ikaw? Ano ginagawa mo pala rito?”
“Mm… May ipapasa lang mula sa firm ko sa 16th floor.” Sagot niya.
16th floor. Meaning dadaan sa process muna bago mapunta sa akin ang kung ano man ang ipinasa niya.
Nagkaroon ng kaunting catch up lang bago kami naghiwalay pero halos mapatigil ako nang makita ang sobrang sungit na ng itsura ni Elijah.
“Oh? Bakit?” Natatawa kong tanong. “Kaklase ko siya noong college pala.” Pakilala ko bigla.
”Para akong naging invisible bigla, ah?” Masungit niyang tugon at hindi ko napigilan lalo tawa ko.
“Selos ka?” Bulong ko.
“He didn’t have to hug you like that.” Hindi niya sinagot ang tanong ko. “Andito ang asawa, oh.” Turo niya sa sarili at mas natawa ako lalo. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at hinila na siya papasok ng building. Hindi matanggal ang ngiti ko sa mukha.
Habang paakyat sa office namin ay nagtatampo siya kaya ako nanunuyo lang.
“Good luck with work, my husband.” Sambit ko at hinalikan ang pisngi niya kahit ang sungit sungit niya.
Umagang umaga, eh!
The whole morning we were busy regarding our own work. Natanggal lang atensiyon ko sa laptop nang tumunog ang phone ko.
Elijah: [Photo]
Elijah: This is your friend?
Tinignan ko naman ang picture. Mukhang ito ang pinasa ni Durch kanina. Ah, rinerequest nila na kuhanin sina Elijah bilang construction team nila.
Viktoria: Not my FRIEND. Pero oo, siya.
Elijah: Declined.
Viktoria: HOY ANG PETTY MO NAMAN PERA PA RIN YAN AH?!
Elijah: ???
Elijah: Sa offer nila, mas marami pa ako makukuha kahit umupo lang ako sa opisina ko ng limang oras.
“Ang yabang.” Singhal ko at natawa nanaman.
Viktoria: Wag na selos baby baby baby ko
Elijah: Wag mo ko kausapin.
Lalo ako natawa nanaman. Ang tampuhin!
Viktoria: Sabi mo, ah?
For sure hindi niya kaya!
Elijah: :)
Humalakhak lang ako at naisipan na puntahan siya sa opisina niya. Kumatok ako at basta nalang pumasok ng opisina niya at nakitang nakatingin siya ngayon sa laptop niya.
Tinignan niya lang ako ng walang emosyon sa mukha at ako’y nangiti naman habang nalapit sa kaniya.
Inikutan ko ang lamesa niya at pumunta talaga sa kaniya. Nakita ko kung paano nawala ang pagka sungit ng mukha niya nang ikutin ko ang upuan niya paharap sa akin at umupo ako sa hita niya.
Dahil sa ayos niya ay talagang dudulas ako pero inayos niya kaagad ang mga hita niya at linagay pa ang isang kamay niya sa bewang ko bilang suporta para hindi ako dumulas mula sa hita niya.
Linapit ko ang mukha ko sa kaniya at sa simpleng pagganon ko ay nakita ko kung paano pumikit mga mata ni Elijah. I smiled and kissed his cheek multiple times.
“Enough,” Parang nanghihina niyang sabi.
“Selos pa rin?” I asked in a little voice.
Napatili ako nang ilagay niya ang parehong binti ko sa hita niya, literal na nakaupo na ako ngayon sa kaniya dahil nakalutang na ang mga paa ko ngayon mula sa lapag.
Hinarap niya ang mukha ko sa kaniya at basta ang alam ko na lang ay automatikong napapikit mga mata ko nang maramdaman ang labi niya sa labi ko.
It was a one quick swift kiss. Pareho kaming mukhang gulat pero hindi na siya nagpatinag doon. Tinagilid niya ulo niya and I know it was to get more access na kung saan napag hiwalay nga niya mga labi ko at hinalikan ako ulit nang mas matagal na kumpara sa kanina.
Napahigpit hawak ko sa coat niya at siya’y humihimas lang sa bewang ko papunta sa hita banda.
“I hate being jealous.” Bulong niya.