Chapter 1
Viktoria's POV
"Vik! Hala ka... Ang ganda mo naman, bebe gurl!" Lumingon akong seryoso sa pinsan ko.
"Kuya..." Tawag ko naman.
"Kabado ka?" Ngising tanong ni kuya Vincent.
"Syempre..." Mapait kong sabi at tinignan ulit ang sarili sa salamin. Never did I imagine that after saying "no" every year to this arrangement... kung kailan last na... doon pa ako um-oo.
Nakita ko mula sa salamin na tinitignan lang din ako ni kuya Vincent.
"Maniwala ka sa akin Tovi... Elijah is a good man. He lives by his morals and is a respectable man. Sabihin mo lang sa'min kapag minaltrato ka niya... isa lang siya walo kami." Tawa ni kuya na kung saan pati ako'y natawa na rin.
Getting married because of the wrong reason... for all the wrong reasons pero 'di bale... wala naman ako balak patagalin ito. It's just 5 years... for the business.
“TOBIYANGGGG” Tawag ni kuya Bryce sa’kin. “Happy debut!!!”
Ngumisi ako. Can’t believe I’m 18 already! My theme is of course, black. Kahit marami naging against ng kaunti in the end, wala sila magawa dahil debut ko nga naman.
“Kitain mo mamaya sina lolo at tito sa baba. May ibibigay sila.” Kumindat naman si kuya sa akin.
From: Babyyy
Happy 18th birthday, mahal! See u later
I smiled at that message… sa totoo lang kabado ako… dahil ang totoo niyan ay ayaw nina kuya- actually lahat ng family ko ay ayaw si Carl.
Bumaba na ako mula sa ikalawang palapag at halos nanlumo ako dahil sa hiya nang makita na lahat pala ay nag aabang sa akin sa baba.
”Napaka ganda mo, hija.” Sambit ni lolo sa akin at tuluyan na ako bumaba para lapitan si lolo at yinakap ito.
“Happy 18th birthday, Tovi.” Bati ni lolo at may inabot sa akin na black envelope.
Kabukas ko ay puro mga papel pero hindi naman ako ganon ka-walang alam kung ano ang mga ito… properties… deeds… bank… halos nanlaki mata ko nang mapagtanto ko na ako ang pinili na tagapag mana ni lolo sa lahat.
“Lo…” Tawag ko.
“I think I made the right decision for it.” Kumindat siya sa akin.
Sumamid si tito Armani at tinawag ang atensiyon ni lolo. “Pa, yung sasabihin na natin?”
“Ah, right!” Tumingin sa akin si lolo. “You know the Viergo’s, right?”
Kinabahan ako bigla… tingin ko alam ko na saan papunta ang usapan na ‘to.
“Well… it is still up to you, apo… After all this will be the first among us and we will respect your decision. Though, you have years to decide, too. Until you’re 30.”
Tumango ako bilang simbolo na naintindihan ko naman. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman na rerespetuhin pa rin naman pala nila desisyon ko.
”It will benefit the company you’ll handle and as well as this family and theirs. We offer you the youngest son of Aziel Viergo.”
Napasinghap ako roon. Hindi ko kilala iyon pero kilala ko ang pamilya nila. “Marriage for convenience po ano?” Malumanay ko na tanong.
“We’re not really pressuring you, Tovi.” Sumingit si tito. “Pero ino-open namin sa’yo ‘to kasi win-win pa rin naman sadiyang first din na mangyayari kung sakali ito sa pamilya kaya okay lang din kung… pero you have years to think about it.”
“Alam na rin ng mga Viergo ito and they have no complaints.” Sambit ni lolo.
I have a boyfriend… At ayaw kong magpakasal sa lalaking wala kaming pinagsamahan at hindi ako mahal.
“Okay lang po ba na humindi ako ngayon?” Kabadong tanong ko at ngumiti nang kaunti si lolo bago tumanngo.
“Yes… if you ever change your mind… you have the contract until you’re thirty… Andiyan yung papel sa envelope na binigay ko.”
That was when I was 18 and my “no” didn’t change until I was in college. From 18 to 21. 3 years have passed wherein a lot has happened. Lolo died due to old age already and I was the CEO already of our firm but in lowkey since I’m just in college, still pursuing architecture.
“Naloloka na ako. Inaantok na ‘ko! Ano ba naman ‘tong meeting na pang third year lang?” Sambit ng kaibigan ko na si Marie.
“Same…” Agree ko.
Nag all-nighter lahat kagabi dahil sa plates kaya naman lahat kami ay walang gana ngayon at halos drained na.
Ang totoo niyan ay hindi alam ng mga prof ko na I’m that PINEDA. That I’m one of them. It has been peaceful though. Kasi kapag nalaman nila na lolo ko si Exuperio Pineda ay baka magkaroon ng unfair treatment at sa akin pa sila matakot. Boss nila at kilala talaga ang lolo ko sa siyudad.
Not until ang mga punyeta kong pinsan ay ang i-ingay! Guest speakers pala sila dahil engineer sila.
“You’re… a Pineda….” Kaba ng professor ko.
Ito na nga sinasabi ko…
Maya-maya lang ay may pumasok din na grupo ng mga lalaki pero mukhang students pa lang din. Mukhang mga Civil Engineering students. Kasama rin kasi sila sa meeting.
Umalis ang mga professor ko kasama ang tito ko.
Pabiro kong sinipa si kuya RJ kaya tawa naman siya ng tawa.
“Ouch! Kinakahiya mo ba talaga kami?!” Hinawakan pa ni kuya RJ ang dibdib niya,
“Oh! Great timing pwede ko na kayo ipagkakilala actually.” Si kuya Vincent.
Napano? Taka ko naman siya tinignan.
“EJ!” Tawag bigla ni kuya Vincent sa lalaki.
“Ahh…” Sudden realization ni kuya RJ pero ako wala pa rin naman maintindihan.
“Ahm… siguro ano… for sure natatandaan niyo ‘yung offer sainyo noong 18 kayo…” Simula ni kuya Vincent.
Noong 18 ako isa lang natatandaan ko rin talaga. ‘Yun ang in-offer sa akin na marriage for convenience… Never ko makakalimutan ‘yon.
“Elijah Viergo…”
Kakasabi palang ni kuya sa pangalan niya tingin ko alam ko na sasabihin niya.
“Meet Viktoria Pineda… let’s say… mag ex-fiance kayo!”
Nakita ko na nagulat ang lalaki sa likod nitong Elijah. Si Elijah naman ay walang reaksyon na tumitingin sa akin ngayon.
“Kuya… sila?” Nagsalita ang lalaki sa likod nitong Elijah.
“Dapat.” Sagot ni kuya RJ at natawa.
Natawa naman ‘yon. “Hi! I’m Trevor Viergo. Your future cousin-in-law pero kung ayaw mo talaga itong pinsan ko pwede naman tayong cousintahan nalang.” Kumindat pa sa akin kaya nanigas naman ako sa kinatatayuan ko sa sobrang hindi alam ang gagawin.
”Trev.” Tawag naman nitong Elijah.
“Tss.” Sungit ko at nasamaan ko pa tuloy ng tingin si Elijah bago ako lumabas sa AVR. Ano yon?! Ilang taon ba ako mag reremind na no nga ang sagot ko?! Ayaw ko!
Kahit every year on my birthday para masabi na rin ang bilang hangga’t mag 30 ako ay mag sasabi ako ng hindi.
Nakakatawa lang dahil ngayong 30 na ako… Asan ako ngayon?
The 2 big church doors opened slowly and heard the wedding song. I was looking down the whole time and walked three steps slowly going inside the church. I looked up only to see my future husband the moment the hour ends.
Elijah Von Viergo