Love Was Never Part of the PlanUpdated at Oct 27, 2025, 05:44
Hindi niya kailanman inasahan na ang isang kasunduan na itinakda pa noong sila’y labing-walo ay babalik sa buhay niya pagdating ng halos sampung taon.
Si Viktoria, isang babaeng naniniwala sa pag-ibig na pinipili, hindi inaayos. Kaya nang malaman niyang may arranged marriage siya sa anak ng business partner ng pamilya nila, mariin niyang tinanggihan—kahit hindi pa man niya nakikilala ang lalaki.
Samantala, si Elijah, sanay na sa ganitong tradisyon. Sa pamilya nila, walang nabigong arranged marriage. Pero sa kabila ng pamilyang disiplinado, siya mismo ang taong naniniwala sa tadhana. At nang makilala niya si Viktoria sa kolehiyo, alam niyang siya na ‘yun—kahit pa mariin siyang tanggihan nito.
Lumipas ang mga taon. Si Viktoria, nasaktan, niloko, at pagod na magmahal. At nang siya’y dalawampu’t siyam na, muling bumalik ang kasunduan. Sa puntong iyon, tinanggap niya ang kasal—hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa revenge. Kung sakali 'man na mauwi sa hindi maging matagumpay ang kasalan, ayaw na niya lumuhod at magmakaawa para sa pagmamahal.
Ngunit paano kung sa bawat araw ng pagkukunwari, ay unti-unti siyang mahulog sa lalaking matagal nang totoo ang nararamdaman sa kanya?
At paano kung ang kasunduang itinuring niyang peke… ay siya palang tunay na pag-ibig na matagal nang hinihintay ang “oo” niya? Pero dahil sa pride mula sa sakit na nadanas, ayaw na niyang magmakaawa kahit kailan sa pag-ibig.