Chapter 11

746 Words
Viktoria’s POV My head is aching again. For the past few days, lagi na ako nag o-overtime sa work. Pati si Elijah dahil nalalapit na ang pasimula ng Leriot Hotel. Minsan nagagalit na si Elijah kapag hindi ako nakakauwi. Ngayon ay hindi ko na matiis kaya naman umalis ako sa upuan ko at nahiga sa sofa ko. I removed my heels and covered my self in a blanket. Nanginginig pa ako sa lamig. Tinatamad naman na ako tumayo para adjust ang AC sa office ko. Hindi namalayan ay nakatulog pala ako at nagising nalang nang naramdaman ang hawak ni Elijah sa akin. Nakakunot ang noo niya habang hinahawakan niya noo ko. “You’re overworking yourself, my love.” Bulong niya. “May lagnat ka.” Suminghot ako dahil sinisipon na rin pala ako. “Hi,” I stated, softly. “Tara na. Iuuwi na kita.” Hinila niya ako at ganoon na nga ang ginawa niya. Kauwi sa bahay ay pinaligo niya ako at kalabas ko ng banyo ay may pagkain na sa kama at mga gamot. Sinubuan niya naman ako at talagang pinaubos ang soup na ginawa niya para sa akin bago ako uminom ng gamot. Nahiga ako kaagad at binalot ang buong katawan ng comforter namin. Kabalik niya sa kwarto ay dumiretso rin siya kaagad sa banyo para makaligo pero sobrang bilis lang niya. “Wisik ba yon?” Biro ko at tinarayan lang niya ako. “Suplado.” Tumawa ako pero natigil dahil naubo naman ako. “Shet. ‘Di ako puwede mag absent bukas!” Sambit ko. “Bakit?” “May international client tayo. Oo, tayo.” Paliwanag ko at tumango siya. “Don’t worry about it. Pahinga ka muna huwag kang makulit.” Pinitik niya ang noo ko. “Ouch.” Sambit ko kahit hindi naman talaga masakit. ”May kailangan pa ako na isang gamot…” Ngumisi ako sa naisip ko na biro. “Ano?” Curious naman siya, eh. “Kissperin.” “Tigilan mo ‘ko. Makulit ka. ‘Di mo deserve.” Natawa ako sa sinabi niya at nakitang napangisi rin siya. Malapit na kaming mag dalawang buwan and I say the advances that we both have now are just kisses and slight touches. Tibay namin ‘no? Next month kaya ano? Charot. “Sungit.” Tumalikod ako sa kaniya at yinakap naman niya ako kahit nakatalikod ako sa kaniya. He’s spooning me. “Sleep, Tovi. Pahinga ka. Pagaling din please.” Parang nagmamakaawa pa siya. “Ako na bahala bukas.” “Good night, Ej…” Bulong ko at tuluyan nang pinikit ang mga mata dahil inaantok na rin naman talaga ako. Bumangon nang kaunti si Elijah at naramdaman kong hinalikan niya ang pisngi ko. “Good night, baby.” I woke up with just a note beside me wherein it says “Will be back before lunch. Breakfast is ready and drink your meds. Yours truly, your husband” Dahil tinatamad naman ako tumayo ay imbes na bumangon at kumain ng almusal ay pinagpatuloy ko na lang ang tulog ko. Kagising ko ay nakita kong nakaligo na si Elijah. Natinag naman siya nang makita akong nagising. “Tsk. Hindi ka kumain.” Sambit niya at hinawakan ulit ang noo ko. “Uminit ka lalo.” Umiling niyang sabi at sinabing may kukuhanin lang siya sa labas. Kapasok niya ay may mga dala siyang paper bag ng botika at naglabas ng kool fever. Linagay naman niya ito sa noo ko at pinilit akong paupuin kahit hilong-hilo ako. Siya ulit nagpakain sa akin at pinainom ako ng mga gamot ko. “Kapag bukas ganiyan pa rin dadalhin na kita sa ospital.” Parang binilinan niya ang sarili niya. Umiling ako at ngumiti. “Trangkaso lang ito. Believe me. Minsan lang ako magkasakit pero umaabot ng two to three days talaga. I’ll be fine by tomorrow I promise.” I held his cheek. “Dapat lang.” Kinuha niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at inilapat ang labi niya rito. These are one of the moments where I want to cherish and am thankful for. Hindi naging malupit si Elijah sa akin kahit kailan. May tampuhan kami pero hindi aabot sa punto na hindi kami mag-uusap nang isang araw at matutulog nang hindi magkaayos. At some point, we have found our harmony. But it hurts to think that we’re doing this for the sake of bearing each other for 5 years… not because of love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD