HININTAY niyang maubos ang nasa pila ko bago siya mismo ang pu’mwesto sa harap ko. Nakatingin siya sa ‘kin bago marahang tumingala sa menu. “What do you want to eat?” Tanong niya. At sigurado na akong narinig nila ‘yon. Maging ang mga customers ay napalingon na rin sa ‘kin. Napatitig ako kay Damian at ilang beses na kumurap-kurap sa kanya. Bakit niya need gawin ‘yon? “Ano?” Tinaasan niya ako ng kilay, “What do you want?” “Mamaya pa break ko.” Mahinang sabi ko sa kanya. “Then I’ll wait. I will order our food now but serve it later when you’re about to take a break.” aniya at umorder na nga siya. Umorder siya ng tag dadalawang spaghetti, 1 pc of chicken with rice, burger, sundae at kung ano pa ang pwedeng kainin. “Ang dami nito.” Sabi ko habang pina-punch ko sa POS ang order niya.

