NARAMDAMAN ko ang marahang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Malambot ang labi niya sa labi kong alam kong dry. Hindi ko alam kung paano humalik, nanatili lang na maliit na nakauwang ang labi ko habang siya ay marahan na ginagalaw ang labi sa ‘kin. Maya-maya pa ay naramdaman kong marahan s’yang humiwalay sa ‘kin, marahan akong nagmulat at ang magandang mata niya agad ang bumungad sa ‘kin. Mapupungay na akala mo ay lango sa alak. “I’m sorry…” mahina niyang sabi sa ‘kin. “Ha?” Tanong ko. Tumaas ang kaliwang kamay niya para hawiin ang hibla ng buhok ko na nasa noo ko at inilagay ‘yon sa likod ng aking tenga. “Sorry for kissing you.” Aniya habang nakatitig sa labi ko, “Hindi ko lang talaga mapigilan.” Hindi ako nakaimik, nakatitig lang ako sa mata niya habang tutok naman ito sa labi ko

