NAGPATULOY ang pagkikita namin ni Damian. Wala s’yang pakialam kung nakikita kami ng mga tao na magkasama. Kapag sa pasukan, kahit pa minsan ay mas maaga ang klase ko sa kanya ay naro’n na siya sa campus at hinihintay ako para sabay kami kumain ng agahan. Kumakain kami madalas sa karinderya. Sumubok na rin ako na lutuan siya ng almusal at sabay nami ‘yon kinakain sa kanilang tambayan. Kapag nando’n nga ako ay hindi ko nakikita ang mga kaibigan niya. Mas kumalat ang buong balita na kami na ng i-holding hands ako ni Damian kahit sa’ng lugar kami, kahit sa school pa. Si Ela ay sobra ang support niya sa ‘kin. Wala naman ako naiku-kwento sa kanya, hindi rin siya nagtatanong pero nakikita niya kasi kami ni Damian at kapag ihahatid na ako ni Damian sa trabaho ko. Kung wala siya lakad after wor

