BAKIT kaya gano’n? Kung kailan naman masarap sa pakiramdam na may isang taong nagpapahalaga sa ‘yo tsaka biglang mawawala? Mali pala na nag-assume agad ako sa pinapakita sa ‘kin ni Damian. Binigyan ko agad ng kahulugan ‘yong mga ginawa niya sa ‘kin. Napanguso ako habang nagsusulat. Nasa klase ako ngayon at pinapasulat lang ng prof namin ang lecture na need namin pag-aralan para sa gagawin niyang surprise recitation na hindi niya sa ‘min sinabi kung kailan. Bagama’t nagsusulat, ang utak ko naman ay na sa isang taong ilang araw na ginugulo ang isip ko. Kasama niya ang babaeng una kong nakita noong nakasabay namin ni Ela si Violet sa cafeteria. Nakakalungkot man pero hindi ko pwedeng ipanatili ang sarili ko sa ganoong sitwasyon dahil may mas mahalaga pang bagay na kailangan mas pagtuunan

