“TALAGA, GIRL???” namimilog ang matang tanong sa ‘kin ni Ela. Pagkarating ko kasi sa roon ay tanong agad ang sinalubong niya sa ‘kin kaya iki-nwento ko ang nangyari kahapon kung bakit hindi ako nakapasok sa trabaho at nakapunta sa kanila. “But he has a girlfriend, right? Bakit ikaw kaya ang binitbit niya.” Kunot ang noong tanong nito, napapaisip siya kagaya ko. Nagkibit balikat na lang ako dahil maging ako ay hindi rin alam ang sagot. Ayaw ko naman mag-assume dahil hindi maganda ‘yon para sa ‘kin. “Sana si Wesley bebs ko rin magkasakit tapos ako bitbitin!” At nag daydream na siya about sa pagkakasakit ng kanyang minamahal na Wesley. Napapatingin ako sa cellphone ko at may hinihintay na message pero wala akong natanggap, kahit pasasalamat man lang. Napabuntong hininga ako. Ano pa ba aa

