KELAI’S POV
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako dahil magde-date nga raw kami ni Ryan. Hindi na rin naman masyadong masakit ang ulo ko dahil uminom na ako ng paracetamol kanina. Binilisan ko na nga lang rin ang paliligo at pagbibihis dahil baka mainip sa kahihintay ang kasama ko.
Ang isinuot ko na lang ay plain black T-shirt na tinernuhan ko ng blue jeans at sneakers. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng mukha. Naglagay na lang ako ng kaunting pulbo at hinayaan na nakalugay ang buhok ko dahil basa pa.
“Ready?” nakangiting tanong sa akin ni Ryan.
“Yes. Pero teka, hindi kaya makita tayo ng girlfriend mo?” alanganin kong tanong.
“Huwag mo siyang intindihin. Kapag magkasama tayo, huwag na huwag mong iisipin sila, okay?” sabi naman niya sa akin.
As if namang madaling gawin iyon? Baka mamaya ay habang naglalakad kami ay may bigla na lang manghila sa buhok ko at away-awayin ako. Pero kahit bahagya akong natatakot ay mas pinili ko pa ring sumama kay Ryan. Weird.
“Let’s go,” nakangiting sabi pa niya.
Lumabas na kami ng tinutuluyan ko. Isang malansangang init ang sumalubong sa amin pagkalabas. Alas otso pa lang ng umaga ngunit dinaig pa namin ang nasa Pilipinas na katanghaliang tapat. Sanay na naman ako sa sobrang init ng Middle East kaya nga wala na lang sa akin kahit saglit pa lang kaming naglalakad ay nanlalagkit na agad ang pakiramdam ko.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Ryan.
“Basta, ayan na ang bus.”
Mabilis kaming sumakay sa bus nang huminto ito sa pwesto namin. Hindi ganoon kasiksikan sa loob ng bus dahil sabado ngayon at halos walang pasok ang mga nagtatrabaho sa opisina. Pero kung ito ay normal day, paniguradong makikipagsiksikan pa kami para lamang makasakay ng bus. At paniguradong masuka-suka na ako sa halo-halong amoy sa loob ng bus.
“Okay ka lang?’ biglang tanong sa akin ni Ryan.
“Yes,” maiksing sagot ko naman.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na rin kami ng bus. Pagtingin ko sa may harapan ko ay nakita ko ang kaisa-isang Catholic Church dito sa Abu Dhabi. Sabado ngayon at hindi ko sigurado kung may misa ngayon. Ngunit may iilang mga kababayan ang nagtitinda ng mga pagkaing pinoy. Ganito kasi ang ginagawa ng ibang kababayan dito, kapag wala silang pasok ay nagtitinda sila ng mga pagkaing pinoy para pandagdag kita nila.
“Don’t tell me na hindi rin kayo nagsisimba ni Francis noon?” tanong sa akin ni Ryan nang mapansin niya ang pagtitig ko sa kabuuan ng simbahan.
Bahagya akong napangiti. “Don’t tell me ganito ang ginagawa mo sa mga babae mo? Ang first date ay pagsimba,” balik tanong ko naman sa kaniya.
Napatawa naman sa akin si Ryan. “Well, honestly ay sa ‘yo ko pa lang ginawa iyon. Though nagsisimba kami pero ikaw lang iyong sa unang date ay sa simbahan kita dinala,” seryosong sagot naman niya.
Napaiwas naman ako ng tingin. “Nagsisimba naman kami ni Francis pero kapag may okasyon lang like birthday and Christmas,” seryosong sabi ko rin.
Naramdaman ko ang paghawak ni Ryan sa kamay ko at saka niya ako bahagyang hinila papasok sa simbahan. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kamay namin na magkahawak. Para na namang tambol ang puso ko, wala akong ibang marinig kun’di ang t***k nito.
Binitawan ni Ryan ang kamay ko nang makapili na kami ng upuan. Agad siyang lumuhod para magdasal habang ako ay nakatitig lang sa kaniya.
Tingnan mo nga naman. Madasalin pala ang manlolokong lalaking ito. Ay sorry po Lord, nagiging judgmental na naman ako.
Lumuhod na lang din ako at ipinikit ko ang mga mata ko.
Lord, alam ko po na nagagalit Kayo sa akin dahil hindi na naman ako nag-iisip. Pumayag pa rin ako sa gusto ng katabi ko kahit na may masasaktan kaming iba. Sorry po Lord. Wala po akong maipapaliwanag sa Inyo dahil alam kong mali po ito kaya sorry po talaga. Alam ko pong makapal ang mukha ko pero sana po ay gabayan Niyo po ang puso ko. Ipinapaubaya ko na po sa Inyo ang puso ko. Thank you po Lord.
Pagkatapos naming magsimba ay lumapit ako sa mga kabayan na nagtitinda. Gawain ko na talaga ang bumili ng mga itinitinda ng mga kabayan dito sa Abu Dhabi bilang maliit na tulong ko na rin sa kanila. Hindi rin kasi biro ang magbilad sa initan para lamang mabenta nila ang mga produkto nila. 40oC to 45oC is not a joke. Mas prone ang tao sa heat stroke kapag ganito na kainit. Pero willing ang mga kabayan na kumita ng extra para may pandagdag padala sa mga pamilya nila sa Pilipinas. Ganoon kasipag ang mga Pilipino sa ibang bansa.
“Baka nagugutom ka na ulit?” tanong sa akin ni Ryan habang naglalakad kami.
“Hindi pa naman. Saan na ba tayo pupunta?” tanong ko naman.
“Bili tayo ng snacks tapos tambay tayo sa may park,” sagot naman niya sa akin.
Napatango naman ako. Naglakad na kami papunta sa bilihan ng mga snacks. Marami kaming nadadaanan na bilihan ng mga pagkain at ang napili namin ay shawarma. Bumili rin kami ng chai or ‘yung hot milk tea.
Malapit lang ang park sa binilhan namin kaya nakarating din kami agad doon. Kahit kasi nasa Middle East ang Abu Dhabi ay mayaman naman sila sa mga park. Ang mga ito ang itinuturing na
Park dito ay mga munting forest sa gitna ng siyudad. Ang buong park na ito ay nalalatagan ng bermuda grass kaya ayos lang kahit magpagulong gulong pa dito. Hindi na kailangan ng banig para makaupo sa lapag.
Ang napili naming pwesto ay iyong malapit sa may playground. Umupo lang kami sa damuhan paharap sa mga batang naglalaro sa playground. Iniabot sa akin ni Ryan ang isang cup ng chai pati na rin ang isang shawarma.
“Okay ka lang ba sa ganito?” biglang tanong sa akin ni Ryan.
Kumunot naman ang noo ko. “Oo naman. Bakit?”
“Wala. Ine-expect ko kasi na magrereklamo ka dahil dito lang kita dinala, imbes na kumain tayo sa mamahaling restaurant o kaya ay manood ng sine,” nakangiting sabi naman niya.
Bahagya naman akong napangiti at itinuon ang atensyon sa mga batang naglalaro. “Ganoon ba ang date?”
“Sa standard siguro ng tao, oo,” sagot naman niya.
“Well, siguro hindi ako tao,” pabiro ko namang sabi.
Narinig ko ang mahihinang tawa ni Ryan kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa mga batang naglalaro. Halos nasisikatan rin ang mga mata niya ng araw kaya parang nagkulay brown ang mga mata niya. At sa muling pagkakataon ay malaya kong napagmasdan ang kabuuan ng mukha niya.
“Baka naman matunaw ako niyan,” biglang sabi ni Ryan.
Agad akong napaiwas ng tingin dahil bigla rin siyang lumingon sa akin. Uminom na lang ako ng chai dahil parang biglang naglahong bula ang dila ko. Hindi ko magawang makapagsalita kahit isang word man lang.
“Nga pala, panay ang message sa akin ni Maya,” pag-iiba niya ng usapan.
Muli akong napatingin sa kaniya. “Talaga ba?”
“Oo, niyayaya nga akong mag-inom daw kami. Hindi ko pa nirereplayan ulit,” sagot naman niya.
Bahagya akong napangiti at saka nagpakawala ng buntong hininga. “Ikaw naman ngayon ang trip niya. Masyado kasing showy ‘yan si Maya. I mean, kapag gusto niya ang isang lalaki, siya talaga ang gumagawa ng move,” seryosong sabi ko naman.
“Nakukulitan na ako masyado. Hindi ako naa-attract sa mga gano’n. Mas lalo pa nga akong natu-turn off,” nakasimangot naman na sabi niya sa akin.
“Naku, isang malaking good luck na lang sa ‘yo,” pang-aasar ko pa sa kaniya.
Napakamot naman sa ulo niya si Ryan. Halatang problemado siya sa sitwasyon niya kay Maya. Makulit kasi talaga ang babaeng iyon. Naging gano’n na rin kasi si Maya kay Francis dati at hindi talaga natuwa si Francis. Halos awayin pa nga ako ni Maya noon kaya na realtalk siya ni Francis.
“Anong gagawin ko?” problemadong tanong sa akin ni Ryan.
“Alam mo na nagkaganiyan din siya kay Francis. Inaway pa nga ako ni Maya nang malaman niyang girlfriend na ako ni Francis. Akala niya kasi ay siya ang gusto ni Francis kasi medyo close din sila that time,” pagkukwento ko naman sa kaniya.
“E ‘di kapag ipinakilala na pala kitang girlfriend ko, aawayin ka niya ulit?” tanong pa niya.
Gulat akong tumingin kay Ryan. “Anong sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Ipapakilala kita sa lahat ng katrabaho natin bilang girlfriend ko,” kaswal na sagot naman niya sa akin.
“Nahihibang ka na ba?”
“Bakit? Hindi ako katulad ni Francis na ikakahiya ka dahil lang sa may girlfriend siya sa Pinas. Mas mabuti na rin iyong malaman ng lahat ang tungkol sa atin para hindi na sila magtaka kapag lagi tayong magkasama,” sagot naman niya.
Napailing na lang ako. Medyo natutuwa na ako sa chill relationship na ito. Bukod sa hindi niya ako ikakahiya, at least ay alam kong hindi ako nag-iisang babae sa buhay niya, at alam ko rin na hindi seryoso ang mayroon sa amin.
At least kapag ayaw na niya, hindi ako masasaktan dahil alam kong iyon ang kahahantungan namin. No emotional attachments, no hopes, no expectations, just a pure chill relationship.