KELAI'S POV Pagsakay ko sa service cab ay medyo nakahinga ako ng maluwag dahil wala nang nakaupo sa lagi kong pwesto. Sa bandang unahan nakaupo si Maya at kapansin-pansin ang pananahimik niya. Nang sumakay din ako ay biglang tumahimik ang mga katrabaho ko. Hindi ko alam kung anong problema nila pero hindi ko na lang sila pinansin. Umupo ako sa lagi kong pwesto at inilagay sa aking tainga ang earphone ko. Muling umingay na rin kasi sa loob ng cab nang makaupo na ako. Pagtigil ng cab sa place ni Ryan ay muling nanahimik ang mga katrabaho namin. At ngayon ay alam ko na kung bakit ganoon ang inaakto nila. There's an issue, and definitely, it's about me and Ryan. "Good morning," masayang bati sa akin ni Ryan. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Good morning din." "Okay ka lang ba? Parang mataml

