35 - I LOVE YOU

1836 Words

KELAI'S POV Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko dahil alas tres na ng hapon nang biglang pumasok sa opisina ko si Ryan. "Ready?" nakangiting tanong niya sa akin. "Yeah." Dinampot ko ang bag ko at saka humakbang palapit sa kaniya. Lumabas kami ng opisina at ini-lock ko ito. Sabay na kaming bumaba at nahagip pa ng mata ko si Francis na palabas na rin ng resto. Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na magagawang saktan ng ex ko si Ryan. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang galit niya gayong matagal naman na kaming hiwalay. "Ginulo ka pa ba ni Francis kanina?" seryosong tanong ko kay Ryan habang naglalakad kami palapit sa service cab. "Hindi na. Pero sabi ni Allan kanina ay nakasalubong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD