KELAI'S POV Kakaiba ang gising ko ngayong araw, magaan at masaya. Magkatabi rin kaming natulog ni Ryan at nag-decide na rin kami na hindi na siya maghahanap pa ng apartment. Magsasama na kami ng tuluyan lalo na at seryoso na ang relasyon namin. Masyadong mabilis para sa amin ang lahat lalo na sa akin pero wala akong pangambang nararamdaman. Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng pagiging masaya ko simula kahapon o talagang tuluyan na akong nagmamahal. "Love, pwede bang maging honest din ako sa 'yo?" biglang tanong ko kay Ryan habang kumakain kami ng almusal. Maaga pa naman ngayon kaya may oras pa kami para mag-usap. "Oo naman," nakangiting sagot niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at nilaro ang kutsarang hawak ko. "Bago ka pa man mag-duty noon sa resto, usap-usapan ka na sa service cab

