KELAI'S POV "Good morning!" masayang bati sa akin ni Ryan nang imulat ko ang mga mata ko. Dahan dahan akong bumangon at tumingin sa orasan ko. Nagulat ako nang makitang alas dose na ng tanghali. "It should be good afternoon, actually," dugtong na sabi pa niya. Alanganin akong napangiti. Ngayon lang yata ako tinanghali ng gising. I mean weekend naman pero kapag wala kasi akong pasok ay pinaka-late ko nang gising ay alas nwebe ng umaga. And since tanghali na pala, mabilis akong tumayo para pumunta sa kusina. Late na kami sa lunch dahil late na akong nagising. "Saan ka pupunta Love?" paghabol sa akin ni Ryan. "Magluluto ng lunch natin. I'm sorry kung tangha--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nakita ko ang mga pagkain na nakaayos sa dining table. "Nakapagluto na ako Lo

