KELAI'S POV Matapos ang nangyari sa pantry kanina ay hindi na ako kinulit ni Francis na ipinagpasalamat ko naman. Hanggang sa mag-uwian kami ay ramdam ko ang pag-agwat ni Francis lalo na kapag nakikita niyang magkasama kami ni Ryan. Si Ryan naman ay tahimik lang pero ramdam ko ang biglang pagiging clingy niya. Nagulat ako dahil bigla na lang niya akong sinundo sa opisina pagsapit ng alas tres. Maaga raw kasi siyang natapos sa kitchen kaya naisipan niyang sunduin ako which is weird. Sa taas lang kasi ng kitchen ang opisina ko so definitely ay hindi na kailangan pang sunduin ako. Hindi na lang ako nagtanong pa sa kaniya dahil baka isipin niyang nag-ooverthink ako. Sinabayan rin niya ako hanggang sa makasakay kami sa service cab. At sa buong biyahe namin ay nakahawak lang siya sa kamay ko.

