KELAI'S POV "Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ni Ryan. Tumango naman ako bilang sagot. Weekend kasi ngayon at ngayong araw ang schedule namin ni Ryan para pumunta sa isang resto bar. Ang napili kong isuot ay isang black dress na above the knee na tinernuhan ko ng isang red sandals. Okay naman na siguro ang suot ko. Hindi naman na siguro ako magmumukhang outcast sa bar nito. Hinawakan ni Ryan ang kamay ko at sabay na kaming lumabas ng apartment. Nag-taxi na rin kami para raw mas mabilis na makarating sa resto bar. Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang taxi. Tumango sa akin si Ryan kaya bumaba na ako ng taxi. "Ready?" tanong pa niya sa akin nang makababa na rin siya. "More than ready," nakangiting sagot ko naman. Pumasok kami sa isang building at sumakay sa isang e

