Tahimik ang buong paligid ng mansion ni Alessandro nang umagang iyon. Ang mga tao sa bahay ay abala sa kani-kanilang gawain. Si Alessandro ay nasa sala at inaayos ang ilang papeles para sa kumpanya. Dahil sa kaguluhan at issue sa pagitan nila ni Candy ay naisipan niya na huwag na muna sumadya sa kumpanya at dito na lang muna ulit sa bahay mag-opisina. Nais niyang ayusin ito ngayon para naman makasabay niya si Romina sa hapunan mamayang gabi. Ngunit ang katahimikan ng araw na iyon ay biglang naputol nang marinig ang malakas na tunog ng makina ng sasakyan sa may harapan ng bahay. Bumaba ang isang lalaking may matalim na tingin, bitbit ang galit at determinasyong makuha ang kanyang pakay. Si Mark Choi, ang lalaking minsan nang ikinasal kay Candy, ay muling humarap sa lugar ng lalaking mata

