Tahimik ang gabi. Ang buong mansyon ay tila natutulog sa ilalim ng malungkot na buwan, Ngunit sa puso ni Alessandro, walang kapayapaan. Sa bawat yapak niya sa sahig ng bawat pasilyo, dala-dala niya ang bigat ng mga salitang dapat matagal nang nasambit, at ng katotohanang pilit niyang isinisiksik sa isang relasyong unti-unting nauupos. Nararamdaman niya naman iyon. Alam niyang imbis na lumalapit ang nararamdaman nila ni Romina ay mas lalo pa na naglalayo ang loob nila sa isat-isa. Ang dami niyang plano, bagay na alam niyang deserve ng kanyang asawa. Ngunit sa isang iglap ay nagbago talaga ang lahat. Kasalanan niya. Wala namang dapat sisihin kundi siya. Pagdating sa silid ni Romina, hindi siya nagdalawang-isip na pumasok. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto, huminga ng malalim, at luma

