"Senorita, sabihin mo na kasi kay Senorito?" Naiiyak na sabi ni Liza kay Romina habang nakatanaw kay Alessandro. Tahimik lang si Romina pero dahil nga sa mga nangyayari ay madalas siyang walang imik. Lalo pa kung nandito si Alessandro. Umiling si Romina. "Sa mga nangyayari ngayon, Liza. Mas mabuti pa na hindi niya malaman. At siguro dadating ang araw na makapanganak na ako, hindi niya pa rin alam. Dahil ang totoo ay wala siyang pakialam sa akin. Ano pa sa magiging anak namin?" "Pero kasi Senorita... Nakakainis eh. Ang aligaga niya doon sa kabit niya tapos sayo parang wala lang?" "Exactly, Liza." Aniya at Napabuntonghininga. "Kaya huwag na huwag niyong sasabihin. Dahil kung sakali, hindi ko kayo mapapatawad." "Opo, Senorita." --- Mataas ang araw nang tawagan ni Candy si Alessan

