Sa isang lumang hotel sa gilid ng lungsod na kalapit lamang ng mansyon ni Alessandro, naupo sa maliit na mesa sa sulok ng kwarto sina Manuel at Carmela Garcia. Ang pagkakainis ni Manuel ay kapansin-pansin sa pagtapik niya sa mesa, habang si Carmela naman ay tahimik na nakatingin sa kawalan. May tensyon sa pagitan nilang dalawa—tensyong bunga ng kabiguang makuha si Romina. "Hindi ko akalain na ganyan na siya katigas," sambit ni Manuel, habang pinupuno ng yosi ang ashtray sa harap niya. "Anak mo lang pala, mas matigas pa sa'yo." "Hindi mo siya pinalaki, kaya hindi mo alam kung gaano siya katapang," mariing tugon ni Carmela. "At isa pa, hindi mo rin siya minahal kahit kailan." "At kasalanan ko ba 'yon? Ha? Lalaking anak ang gusto ko, malas niya na naging babar siya. Saka teka nga, sino'ng

