Mabigat ang katawang bumagsak sa leather chair si Alessandro habang nakatitig sa harapan ng kaniyang opisina. Umaga pa lamang ay hawak na niya ang telepono, paulit-ulit na chine-check kung may tumatawag o nagme-message mula sa kampo ni Romina. Pero wala pa rin. Muling tumawag siya sa kanyang abogado. "Atty, may balita na ba mula kay Romina?" tanong niya, bagsak ang tono. "Wala pa rin po, Sir," mahinahong sagot ng abogado. "Ipinasa ko na ang statement sa mismong abogada niya, Hindi pa rin sila sumasagot." Napahawak sa sentido si Alessandro. Ang bawat araw ay parang taon sa kanya. Matapos ang lahat ng taon ng katahimikan, ngayong may natuntunan siyang bakas, ay tila mas lalo siyang nababaliw sa paghihintay. "Kung alam ko lang kung nasaan sila, matagal ko na silang pinuntahan," aniya sa m

