Pagkatapos ng pormal na pagpirma at kasunduan sa pagitan nina Romina at Alessandro para sa kanilang annulment, hindi agad nawala ang bigat sa dibdib ni Romina. Kahit pa ito ang matagal na niyang hinihintay, ang pormal na pagtatapos ng namamagitan sa kanila, ang kasal na hindi niya ginusto, ay may kakaibang lungkot pa rin siyang naramdaman. Maaaring ito'y dahil sa pagtatapos ng isang kabanata na minsan ay naging bahagi ng kanyang buhay. Ngunit sa kabilang banda, ito rin ay simula ng isang bagong yugto para sa kanya at sa anak nilang si Joaquin. Kausap niy ngayon ang kaniyang lawyer para pagusapan pa ang process ng annulment nila. Pumirma man si Alessandro ay hindi pa rin naman tapos na agad ang kanilang annulment. "We will begin preparing the formal petition this week. Since may legal ba

