Ang katahimikan ng gabi ay biglang nabasag ng mga yabag at pabulong na bulungan ng mga tao sa loob ng mansion. Nagmamadali ang ilan sa kanila, habang ang iba ay tila may sinusubukang itago o pigilan. Mabilis na kumalat ang tensyon sa bawat sulok ng bahay, na para bang may paparating na bagyong hindi maiiwasan. Sa loob ng kanyang silid, nakahiga si Romina sa kama, ngunit nanatiling gising. Tahimik lang siya, nakikiramdam. Mula sa kanyang kinahihigaan, rinig niya ang pagkalabog ng pinto sa ibaba, ang malalakas na yabag, at ang tila pagtatalo ng mga tinig na hindi niya mabosesan. "Manang Ising?." mahina niyang tawag, inaasahang may makadinig sa labas ng kanyang silid. Ngunit walang sumagot. Nag-aalalang bumangon si Romina at marahang tinahak ang daan patungo sa pintuan ng kanyang kwarto. K

