Chapter 71

1177 Words

Sa tahimik na silid ni Romina, ang liwanag ng umaga ay bahagyang sumilip mula sa mga siwang ng kurtina. Nakahiga siya sa kama, nakaharap sa bintana, at tila ba nakikinig sa bawat yabag na dumadaan sa labas ng pintuan niya. Sa kakaisip ng nangyari kagabi ay nakatulog siya, ganoon pa man ay mababaw lang. Ramdam niya ang pagod. Pagod dulot ng kakulangan sa tulog, pagod dahil sa mga nangyayari sa kanila ni Alessandro. Mahina ang paghinga niya, mabigat ang kanyang dibdib, at damang-dama niya ang patuloy na pag-ikot ng kanyang isipan sa lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas—sa totoo lang, pakiramdam niya’y nauubos na siya. Kailangan niyang makaalis sa mansyon, kundi mauubos na talaga siya ng tuluyan. Iba ang Romina na kilala niya, kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD