Rinig ang tunog ng doorbell sa unit ni Romina. Isa, dalawa, hanggang aa pangatlo. "I'm comming!" Sigaw ni Romina at napatingin sa monitor sa pinto. Pinindot nya iyon at nahita si Alessandro sa labas. Narito ulit ito, samantalang galing na rin ito dito kahapon para bisitahin si Joaquin. Nakangiti ito at may bitbit na naman na kung ano. Hindi ito kagaya ng dati na parang laging may mabigat na tensyon tuwing nagkikita sila. Ngayon, may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi, bitbit ang dalawang paper bag—isa, halatang pambata dahil sa mga makukulay na disenyo ng wrapper at isa naman ay simpleng puting kahon na may pulang ribbon. Binuksan ni Romina ang pinto, nakasuot siya ng simpleng blouse at leggings. Hindi niya inaasahan na maaga itong darating. “Alessandro? Ang aga mo yata,” ani niya, b

