Chapter 99

1437 Words

Sa sumunod na linggo, halos hindi nawala si Alessandro sa paligid ni Romina. Hindi man siya palaging dumadaan sa opisina, nagagawa pa rin niyang magpakita sa iba’t ibang paraan. Minsan ay magpapadala ng almusal para sa kanya at kay Joaquin, minsan naman ay magdadala ng bulaklak na may simpleng sulat. Hindi alam ni Romina kung bakit hindi niya ito tinatanggihan. Dapat ay malinaw na sa kanilang dalawa, nasa proseso na nga sila ng annulment at nakapagkasundo na sa lahat ng dapat ayusin. Pero sa tuwing nakikita niya ang ngiti ni Joaquin kapag kasama ang ama nito, may kung anong kumukurot sa puso niya. Para bang gusto niyang manatiling ganito muna, kahit sandali lang. Isang buwan na nga halos ang lumipas, ganon kabilis. Para bang kailan lang nang bumalik sila dito sa Pilipinas. Nagawa ni Romi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD