Chapter 100

1327 Words

Tahimik ang gabi. Ang tanging ingay na maririnig ay ang mahinang tunog ng patak ng ulan sa may balkonahe ng condo unit ni Romina. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin na dumadaan sa balkonahe. Nasa Bahay pa rin nila si Alessandro, pero kahit halos tapos na ang sinadya niya sa araw na ito ay hindi pa rin ito umaalis. Si Joaquin ay mahimbing nang natutulog sa kanyang silid, at naiwan sina Romina at Alessandro sa sala, pareho pa ring gising kahit pasado alas-diyes na ng gabi. Si Romina, nakasuot ng simpleng puting pajama at may hawak na mug ng mainit na tsaa, ay nakatingin lang sa malayo. Hindi niya alam kung bakit ang dami niyang gustong itanong ngayong gabi. Marahil ay dahil sa katahimikan, o baka dahil matagal na rin mula nang huli silang nag-usap ng seryoso tungkol sa kanila—hindi tungk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD