Mabilis na siniil nila ng halik ang isa-isa. Ibinalik ni Romina ang mapupusok na halik ni Alessandro sa kaniya. Hanggang sa bigla silang napatigil, tila nagulat sa nangyari at ginawa nila. Nagkatitigan sila. Malamang sa isipan ni Romina ay dapat ng itigil nila ito. Na hindi niya dapat hinalikan din ito. Tapos na sila. Nasa processo na siya ng paglayo ng tuluyan, yung walang bagay na pipigil sa kanya para tuluyang kalimutan si Alessandro. Pero imbis na umalis sa harap nito, na ipagtabuyan o itulak si Alessandro ay hindi niya magawa. Ngunit higit pa doon ang mangyayari ngayong gabi. Muling lumapat ang labi ni Alessandro sa kaniyang labi at muli, sa pangalawang pagkakataon ay sinuklian niya rin ang halik nito. Mabagal na inabot ni Alessandro ang kamay niya, marahan itong hinawakan, para

