Mainit-init pa ang sinag ng araw na unti-unting pumapasok sa bintana nang magising si Romina. Tila ba naghalo na ang init ng sikat ng araw sa labas at ang lamig ng silid dahil sa naka-open na aircon. Hindi agad niya iminulat ang mga mata, para bang may kung anong bigat na dumagan sa kanyang dibdib. Mabigat ngunit hindi mabigat na parang pasanin, bagkus ay isang damdamin na mahirap ipaliwanag. Nang sa wakas ay dumilat siya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita sa kanyang harap. Sa tabi niya, nakahiga si Alessandro, mahimbing ang tulog, at kapwa sila walang saplot na kahit anong tela. Lahat ng alaala ng nakaraang gabi ay biglang sumulpot—ang mga halik, ang init ng kanilang mga haplos, ang mga salitang binitiwan nila habang dinadala ng damdamin. Kapwa nila ginusto iyon, pumayag sya dahil gust

