Nang umaga rin na iyon, nagpunta siya sa office para tapusin ang isa pang draft ng isa pang area na tinatrabaho niya. At habang nagtatrabaho ay naaalala pa rin niya ang nangyari kagabi, ang sandaling hindi niya inaasahan, hindi niya planado, at hindi niya rin lubusang matanggap. Magkatabi silang natulog ni Alessandro. At oo, may nangyari sa kanila. Bagay na, kung iisipin, ay hindi dapat. Ngunit bakit ba ganoon? Sa halip na pagsisihan, may bahagi ng kanyang puso ang kumakapit doon, nakadikit, ayaw bumitaw. Ngunit ngayon, habang tahimik na tinatapos niya ang draft sa computer ay muling bumabalik sa isipan niya yung mga nangyari sa kanila kagabi. Ang totoo ay nagpunta siya rito para umiwas talaga sa kaniya. Pinipilit niyang ilayo ang kanyang isipan sa mga alaala ng nagdaang gabi. Hindi

