Nagpatuloy ang mga araw nang panliligaw ni Alessandro sa kaniya at hindi niya iyon matanggihan, lalo pa nakikita niya kung gaano kasabik si Joaquin na makita ang ama. Pero bukod pa doon, hindi niya rin maitatanggi ang paunti-unting pagbabago sa kaniyang nararamdaman. Habang nalalapit ang pagtatapos ng project nya na siyang dahilan kung bakit nandito siya sa Pilipinas ay ay iyon din ang paglapit muli ng kaniyang loob sa dating asawa. Kay Alessandro, kahit ano pa ang pagtulak na gawin niya ay hindi talaga ito tumitigil sa muling pagkuha ng loob niya, lalo pa matapos ang nangyari sa kanilang dalawa. Napahinto si Romina sa kaniyang ginagawa nang marinig ang doorbell sa kanyang unit. Tumayo sya at binuksan iyon. Kagaya ng kahapon ay si Alessandro iyon. "You're here again." aniya at mas

