Sa isang tahimik na hapon sa dating bahay nila ni Romina at Alessandro. Kumikislap ang tubig ng swimming pool sa sikat ng araw. Ang mga tawa ni Joaquin ay maririnig sa buong bakuran, puno ng inosenteng tuwa mula sa anak nila. Na ngayon lang ata narinig ni Romina Siya ay masayang lumalangoy habang tinuturuan siya ng kanyang Daddy na kung paano ang tamang paghampas ng braso at kamay. He's good with it, and napaka-fast learner naman ni Joaquin. “Daddy, tingnan mo po ako!” sigaw ni Joaquin habang nag-splash ng tubig. Ngumiti si Alessandro, nagpakawala ng malakas na tawa, at sinabayan ang anak sa gitna ng pool. “Very good son! Ang bilis mong matuto!” Ang eksenang ito ay tila isang sulyap ng buhay na matagal nang nawala. Isang larawan ng pamilyang buo, masaya, at walang iniintinding iba. Da

