Tahimik ang gabi sa bahay ni Alessandro, ang dating bahay na minsan nilang pinagsaluhan bilang mag-asawa. Sa labas, maririnig ang banayad na lagaslas ng tubig mula sa swimming pool kung saan ilang oras lang ang nakalipas ay masayang naglaro ang mag-ama. Ngayon, si Joaquin ay mahimbing nang natutulog sa guest room, pagod sa buong araw ng activities nilang mag-ama. Si Manang Ising naman ay nagpaalam na rin at pumasok na sa kanyang kwarto. Romina ay nakaupo sa balcony, nakatingin sa kalangitan. Hawak niya ang isang tasa ng mainit na tsaa habang sinusubukang ayusin ang kanyang isip. Ilang linggo na lang... tapos uuwi na kami sa Madrid, naisip niya, at hindi niya maiwasang sumikip ang dibdib. Lumabas mula sa kusina si Alessandro, may hawak na dalawang baso ng malamig na tubig. Tahimik siyang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


