Mainit ang simoy ng hangin sa paglabas nila ng arrival gate. Isang pamilyar ngunit matagal nang nakalimutang amoy ng Pilipinas ang sumalubong kay Romina. Halo ng usok ng sasakyan, alinsangan ng panahon, at ang amoy ng kape sa malapit na café. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang siya'y huling nakatapak sa bansa, pero tila kahapon lang ang huli niyang paglakad sa terminal na ito. Noon, bilang flight attendant. Ngayon, bilang ina at consultant ng isang malaking proyekto. Marami na nga ang nagbago, at kasama na sya roon. Bitbit niya sa isang kamay ang stroller ni Joaquin habang ang isang staff mula sa kumpanya, isang lalaki na may suot na ID lanyard at hawak na placard na may nakasulat na “ROMINA DE VERA” ay sumalubong sa kanila. “Ma’am Romina? Welcome po,” nakangiting bati nito. “Ako

