Ang lobby ng Grand Empire Hotel ay puno ng activities sa araw na 'to. Mga taong pormal ang suot, bitbit ang kani-kanilang mga tablet, portfolios, at pangalan sa dibdib. Mga piling kinatawan mula sa iba't ibang kumpanya sa loob at labas ng bansa ang naroon. Lahat ay may isang layunin, at iyon ay ang maging bahagi ng isa sa pinakamalaking proyekto ng taon. Sa isang sulok ng maluwag na conference hall, nakaupo si Alessandro. Eleganteng itim na suit, gupit na preskong-presko, at nanlilisik na matang tila palaging alerto. Sa harap niya, ang schedule ng araw na iyon. Ngunit halos hindi iyon ang binabasa niya. Hindi ang project plan. Hindi rin ang budget proposals o architectural renderings. May ibang laman ang isip niya. May ibang rason kung bakit siya naroon ngayon, kung bakit kahit hindi siy

