Unknown Disease
20 | Quarantine
_______________________________________
Astrid
"Sumama kayo sa amin ng maayos at walang mangyayaring masama," sabi ng isa sa mga sundalo bago nila kami isa-isang inalalayan papalabas.
Wala kaming ibang nagawa at sumunod na lang kami sa kanila. Litong-lito pa rin ako sa nangyayari. Saan nila kami dadalhin? Anong balak nila sa amin? Bakit kailangan nila kaming tutukan ng b***l?
Natigilan lang ako sa malalim kong pag-iisip nang bumungad sa amin paglabas ang 'di mabilang na dami ng mga infected na hinihila papalabas ng mga sundalo at kapulisan. Ang iba pa sa kanila ay nagpupumiglas at nag-iiyak.
"No, please! I need to find my daughter!" A girl with a hair bun pleaded.
"We'll find your daughter, pero kailangan mo munang sumama sa amin," ang sagot ng pulis na nakahawak sa kanya, but I know, we know, that it was all a lie.
How can they even find someone in the middle of a chaos like this? That's nearly impossible.
Bigla kong naalala si Leslie. I promised that kid to find her sister for her but how? Paano ko siya mahahanap kung kahit maging ako ay hindi ko na alam kung paano na ang sunod na mangyayari sa amin?
I just look up the sky at nakita ko ang paglubog ng araw. It is indeed beautiful and peaceful. Malayong-malayo sa kaguluhang nangyayari sa mga oras na ito.
I just hope that everything will be okay, that I'm not making a wrong decision. Napabuntong hininga na lang ako sa naiisip ko.
Don't worry baby. I'll try to find your sister Stefanie for you. Kahit walang kasiguraduhan, susubukan ko.
Tinulak na nila kami papasakay sa isang lumang sasakyan na kung tawagin ay bus.
"Just stay here. Don't you even dare to escape," paalala ng sundalo bago muling umalis para mag-escort pa ng ibang mga tao papasok ng bus.
Nagkibit-balikat na lang kami sa nangyayari at naghanap nang mauupuan. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang mga tao na makikita ang takot at pangamba sa mga mata. Ang iba sa kanila ay talagang mapapansin ang pagod dahil sa mga nangyayari.
"I'm scared. Saan nila tayo balak dalhin?" nanginginig na tanong ni Brenda na nasa tabi ko.
"Paniguradong isasailalim nila tayo sa quarantine. Infected or not. 'Yon lang ang nakikitang kong maaari nilang gawin sa atin,"sabi ni Froy.
He's right. Nasabi na sa akin nila Mom ang patungkol diyan. Kaya pinagtatabuyan agad nila ako papalayo, but the irony is here I am kasama sa iqua-quarantine. Isasailalim nila kami sa quarantine gaya ng ginawa nila noong nangyari ang ganitong pandemya ilang taon na ang nakakalipas.
Umakyat na kami sa taas dahil puno na ang unang palapag. Nang makaakyat kami ay mabilis naman kaming nakahanap ng bakanteng upuan at agad na binakantehan ito.
Tinabihan ko si Minna ng umupo siya sa kaliwang bahagi. Si Priam at Maggie, Brenda at Keil at Froy at Zeros naman ang magkakatabi.
Inikot ko ang aking mata para kumpirmahin na ang sinasakyan naming bus ay puro mga hindi infected na mga tao dahil sa maayos at walang umuubong tao sa loob.
They're making sure na wala nang mahahawa pa. Nakita ko rin kasi kanina sa labas ang aabot sa dose na bus ang nandidito.
After a while ay umandar na rin ang sasakyan nang tuluyan ng mapuno ang bus na sinasakyan namin.
"I'm tired. I'm scared. I don't know how to feel," mahinang sabi ni Minna and I just held her hands.
"Everything's gonna be fine. Be optimistic. It won't help us kung magiging nega ka," sabi ko na lang na nagpayuko sa kanya.
"I'm sorry," she says, pero hindi ko na siya sinagot pa at ginulo na lang ang buhok niya.
"Saan niyo sa tingin nila tayo balak dalhin?" seryosong tanong ni Zeros.
"To the place where all of us can fit in," Froy replied.
Napakarami namin at iisa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon na maari nila kaming pagdalhan.
"Philippine Arena," pagsasabi ko ng nasa isipan ko.
It's the only place were thousands of people can fit in.
"Wait, hindi na sakop ng Metro Manila 'yon ah. Paano 'yon?" nagtatakang tanong ni Brenda.
"Di ka ba nakikinig sa news sinama rin kaya nila 'yong Bulacan sa pagpapasara," maarteng sagot ni Maggie na mukhang kahit na ganito ang nangyayari ay 'di pa rin mawawala ang pagiging attitude niya.
"What do you think ang mangyayari once na nakarating at nakatapak na tayo ro'n? I don't feel good about it," seryosong turan ni Brenda na nahagip pa ng mata ko ang malakas na pagbuntong hininga.
Matapos nang sinabi ni Brenda ay natahimik kaming lahat. Kahit ako ay hindi maganda ang kutob ko sa kahahantungan namin once na makaapak na kami ng arena. My family is very eager to get me out of here dahil alam na nilang mangyayari ito. Pero mukhang wala na naman akong choice eh.
We're already in here. We don't have any choice now. There's no going back at alam kong bago ako bumalik dito ay alam ko na sa sarili ko ang risk and consequences ng actions ko.
Makikita mo ang pagod sa mga mata ng bawat isa nang lingunin ko sila. Some of them were sleeping, but I can't even sleep given our situation. It's horrible that no one wishes for.
Bigla akong naestatwa sa kinauupuan ko nang bigla umubo si Priam.
Ang kaninang pagod at mapupungay nilang mata ay biglang naalerto at napunta sa direksyon ni Priam.
"Is he infected?" nahihintakutang tanong ng studyanteng babae sa unahan namin.
"No. He isn't. He just caught a cold since last week pa. Before the pandemic happened," Maggie covered up.
Pero hindi pa rin nagbabago ang tingin nila at tila nagsususpetsa pa rin. Hindi ko naman sila masisi dahil safety ng bawat isa ang number one priority ng lahat.
"Just by looking at him I could tell that he isn't infected," I say but I know for sure that it was all a lie.
Napunta naman sa akin na ngayon ang atensyon ng lahat matapos kong sabihin iyon.
"He isn't pale like those infected. Maayos pa rin siya. He's well dress unlike sa mga infected na puro dugo ang suot dahil sa pag-ubo. I know naman na aware ang lahat na once na nahawaan ka ng sakit ay mabilis na lalabas at kakalat ang virus sa katawan mo at sunod ay magpapakita ang mga nasabing sintomas sa isang infected na tao. Kita niyo naman na umubo lang siya at wala ng iba. Kung infected siya ay sana kanina pa siya naglumpasay at nag-uubo ng dugo di 'ba," I explain and I see some of them convince but still, some aren't. But at least kahit papaano ay bumalik sila sa kaniya-kaniya nilang gawain.
I look at Priam's direction at nakita ko siyang nakayuko while Maggie's cheering him up and I was quite taken aback when Maggie looks at me and mouthed 'Thank You'. I just nodded at her matapos niya iyong gawin. Hindi ko alam na marunong pala siyang magpasalamat.
Bigla akong napaisip sa kung anong mangyayari sa amin pagkapasok namin sa loob ng arena. I know na pagkarating namin doon ay ipaghihiwalay ang infected sa hindi. Paano si Priam? Paano namin siya matutulungan na hindi mapasama sa mga infected?
We need a plan, but we can't let others know it. Baka mapahamak lang si Priam at maging kami.
Nilabas ko ang HW ko at sinenyasan ang iba na kunin din ang kanila na agad naman nilang ginawa.
Astrid: Hey, what about Priam? What shall we do?
Brenda: What do you mean about Priam?
Keil: Sa tingin ko pagdating natin doon ay paghihiwalayin ang infected sa hindi and as Priam condition he's infected. We cannot let them separate him from us.
Froy: I was thinking of that too. We need a plan. What do you think we can do?
Minna: I'll try to contact some of my Dad's staff. Maybe she can help us.
Maggie: I will do the same for my Mom.
Zeros: Maybe this is the best thing we can do. Connections are our biggest weapon as of now.
Maybe Zeros is right. The connection is our biggest weapon for now. Why don't we use our family influence, right?
Tininggnan ko ang kinaroroonan nila Mom gamit ang GPS na ikinokteta namin sa isa't isa at nakitang nandoon sila sa eksaktong pupuntahan namin ngayon.
I'm about to message Mom when a call appears on the screen, it's from Cyrus.
Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko. Napakagat pa ako sa kuko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. I feel sorry and guilty dahil sa ginawa ko.
"Sagutin mo na," udyok sa akin ni Minna na mukhang nakita ang incoming call galing kay Kuya Cyrus.
I heave a heavy sigh at mariin akong pumikit bago ko pinindot ang accept to answer the call.
"Why did you call Cy?" I immediately asks pagka-accept ko pa lang ng tawag.
"Where are you Astrid?" mas lalo akong kinabahan dahil tinawag niya ako sa pangalan ko.
I didn't answer his question. I can't lie to him. I don't want to.
"I'm asking you. Where are you Astrid?" he asks with full authority in his voice.
I bite my lower lip. "Sorry," halos pabulong na sabi ko.
Narinig ko ang malakas na pagmura niya sa kabilang linya kaya napayuko na lang ako. "I'm really sorry," I sincerely apologise.
I disappoint them. For the first time in my life, I didn't do what they wanted me to do. I'm one of the good girls na masasabi nila. I do whatever they command and tell me to do. Kahit pa labag sa loob ko and now here I am, opposing them.
"Do you know what stupidity you did Astrid, do you?" galit na galit na sabi niya. Napakagat na lang ako ng labi dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Nakita ko sa peripheral vision ko na mukhang narinig ni Minna ang sigaw ni Kuya 'cause she's looking at my direction na nagtatanong at nag-aalala ang mga mata.
That's when I decided na pumunta muna sa malayo upang sagutin ang tawag at makausap si Kuya ng walang ibang nakakarinig. Napatingin naman sa akin yung pito but I just ignored them at nagdiretso lang nang paglakad.
"I know. Alam ko kung gaano katanga ang ginawa ko at kung gaano kadelikado ang sitwasyon," nahihirapang sagot ko sa kanya .
"Then why did you still f*****g do it?"
"I can't be selfish, Kuya. I don't want to be. I have a friend left here that needs me. I can't just leave them," I answer.
"So, coming back and being a heroine to your dear friend makes you unselfish then?" he sarcastically asks.
I don't know what to say. I'm speechless.
"Hindi mo ba naisip kami Astrid? Your family? Me, Mom and Dad? All we wanted for you is to be safe. We can't protect you at this moment Astrid!" he yells out of frustration.
"What do you mean Kuya?" I'm starting to get nervous about what he said.
"Once you step in the arena. There's no way for you to get out. Some or maybe everyone can be their test subject. It's going to be a free range for them," he replied.
Agad nangunot ang noo ko at kinabahan sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean by the test subjects?" hininaan ko 'yong boses ko para walang makarinig sa sasabihin ko.
"We're not the only ones who will facilitate the arena. Doctors from different countries and scientists will also be there. They'll help us find and make the cure and you probably know how scientists from other countries work," he explains that makes my heart pump fast.
"Ipapaalam nila na kakailanganin niyo lamang manatili sa quarantine area sa loob ng isang linggo para mabigyan kami ng oras para sa paghahanap sa lunas sa sakit. Pero alam mo kung gaano kahalaga ang bawat oras at araw. Bago pa namin mahanap ang gamot ay paniguradong marami pa ang mawawawlan ng buhay at mas lalong tataas ang bilang ng mga infected," dagdag niya.
I'm now scared. What shall I do now?
"Kaya bakit ka pa bumalik Astrid? Kahit gaano ka pa namin gustong iligtas as long as you're in the city we can't do anything. Even those influential persons can't do anything about it. It's under the government care."
"Trust me kuya. I can survive longer," I firmly says kahit pa bakas ang kaba at takot sa akin.
"Even if I want to trust you, I can't. I can't trust you in this situation, Astrid."
"Just, trust me Kuya. Just this one. Give it to me. 'Wag niyo na akong alalahanin pa. Ayokong ako pa ang maging dahilan para mawala kayo sa pokus sa paghahanap sa gamot."
"Mukha bang may pagpipilian pa ako? I don't have any choice right now, but to trust you. You know how the flu works. So, be safe and stay alive for us lil sis," his voice now became softened.
"I will Kuya. I will."
"As long as the first infected person is with us. I can assure you that in less than a week ay mahahanap na namin ang gamot sa sakit," sabi niya na nagpatigil sa akin.
"Are you talking about Priam?" I nervously asked.
"Yes, that guy. Hey! How did you know him?" he asks, which makes me bite my lip even more.
"He's with us Kuya. Priam Lim is with us."
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆