Philippine Arena

1917 Words
Unknown Disease 21 | Philippine Arena _______________________________________ Astrid Halos manlambot ako pagkatapos ng tawag na iyon. Ang tanging magagawa na lang namin ngayon ay protektahan ang isa't isa at manatiling ligtas hanggang sa matapos ang quarantine. Wala mang kasiguraduhan ay kailangan naming sumugal at magtiwala sa tadhana. "Hey, what happened? Are you alright? Anong sinabi ni Kuya Cyrus?" sunod-sunod na tanong ni Minna, but I'm not in the mood to answer her. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Kuya Cyrus. We messed it all. No, I did. I messed it all up. If I didn't just go back. Kung nagpakasarili na lang sana ako at inisip na lang ang kaligtasan ko then siguro ngayon ay ligtas silang pito sa ospital namin at mas mapapadali ang paghahanap nila Mom and Dad ng gamot. Why didn't I even think before I act? How reckless and stupid can I be? Sinubsob ko 'yong mukha ko sa sandalan ng inuupuan ko at bigla na lang bumuhos 'yong mainit na likido na kanina ko pang pinipigilan. I can't take it anymore. Even if I wanted to stay positive, still I can't. Even though I act as if everything's gonna be fine may parte sa akin na gusto nang bumigay. Lalo na sa mga nalaman ko. I'm f*****g frustrated. Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko. "Astrid. Hey! Are you crying?" Minna asks pero nakasubsob lang ang mukha ko sa sandalan ng upuan at pilit na tinatago ang mukha ko. "Astrid ano ba! Look at me!" sigaw niya na alam kong nakakuha ng atensyon ng mga taong malapit sa amin. "Hey. What's happening?" I overheard the voice of Brenda asking. Mabilis kong pinunasan 'yong luha sa pisngi ko at hinarap si Minna dahil alam kong hindi siya titigil hanggang sa 'di ko siya hinaharap. Blankong pinagkatitigan ko lang siya. Pilit tinatago ang nagbabadyang pagbagsak muli ng aking mga luha. I wanted to cry. Gusto kong ilabas ang frustration na nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Ayokong maramdaman nila ang nararamdaman ko. Ayokong pati sila ay matakot at mahirapan pa lalo. Mabuti ng ako na lang. Siguradong lahat naman kami nahihirapan sa sitwasyon ngayon at ayoko nang dagdagan pa ang bigat sa kanila. Nagulat naman ako nang bigla akong niyakap ni Minna nang mahigpit. "If nahihirapan ka na at natatakot. You can always talk to me Astrid. I'm always here to listen and help you. You can't hide it from me Ash. Alam kong nahihirapan ka na gaya namin," she says with a hint of sympathy. I don't know how to respond to her kaya pinili ko na lamang ang manahimik. Mabilis na lumipas ang oras at nagsimula na kaming mag-usap patungkol sa kung ano ang aming gagawin pagtuluyan na kaming nakapasok sa arena. Tanda ko pa na sinabi ni Kuya na maging ang mga influential at mayayamang tao ay walang magagawa patungkol dito 'pag nakapasok na kami sa arena, pero hanggang sa hindi pa kami nakakaapak at nakakapasok do'n ay maaari pa naming magamit ang connection at impluwensya namin. At 'yon ang gagamitin naming advantage para sa amin. Minna: Didiretso tayo sa east side pagkatapak natin sa arena. My friend Gale will be there. She'll help us keep Priam with us. Minna chatted and we all responded and replied 'ok'. The bus stop at the front of the Philippine Arena. It was indeed huge. Wala pa kami sa loob, but you can see from the outside na talagang malaki at malawak siya. I heard noong 2087 ay mas in-enhance pa ito lalo at mas lalong pinalaki. Sa kasalukuyan ay nakakaya na nitong makapag-occupy ng almost million of people dahil sa pag-upgrade na ginawa nila. Tinagurian din itong largest indoor arena sa buong mundo. Napalibot ako ng tingin sa labas at nakita ang hindi mabilang na bus na nakapaikot sa arena. Mas dumadami pa ang bilang ng bus na dumadating sa arena sa kada minutong lumilipas. Naagaw ng atensyon ko ang kaliwang bahagi ng arena kung saan na ka paikot ang mga bus ng mga infected. Kita sa puwesto namin ang nangyayari sa loob ng bus nila. May mga bakas ng dugo ang salamin ng kanilang bus at kahit malayo ay kita ko sa mga mukha nila ang panghihina, patuloy na pag-ubo at pag-iyak nila na hindi matanggap ang kanilang sinapit. Inalis ko ang tingin ko dahil hindi ko maatim na titigan sila ng matagal. Narinig ko rin ang hindi makapaniwalang mga bulungan ng mga tao sa loob ng bus namin. I was thinking that we people are born sinners, but do we deserve this? "Can I get your attention please." Agad nakuha ng atensyon naming lahat ang pagkadagundong ng boses na iyon. "Pagkababa ninyo ng bus ay isasailalim kayo sa isang test at isasama kayo sa quarantine per protocol. Mariing i***********l ang paglapit sa kaliwang bahagi kung nasaan ang mga infected. Hanggang maaari ay iwasan natin ang paglalapit sa isa't isa at panatilihin ang ilang metrong distansya." Matapos ng naging anunsyo na iyon ay nagsimula na kaming maghanda pababa ng bus. Kita ko na nagsisibabaan na ang mga nasa baba ng bus na sinasakyan namin. "Don't forget about the plan," pasimpleng sabi ni Minna na ikinatango naming lahat. Nagsama-sama kaming walo pababa ng hagdan kahit pa hanggang ngayon ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko patungkol sa sinabi ni Kuya Cyrus sa akin kanina. Pilit kong isiniksik sa aking isipan na kailangan kong maging matatag. Ipinangako ko sa kanya na makakaalis ako ng ligtas at buhay mula sa arena. Mabilis naman kaming nakababa ng bus. It's deplorable to see that lots of uninfected persons were leaving a big gap towards the infected. It's so sad to see how we are separated by this f*****g disease. Nagsimula nang maglakad papasok sa Arena ang mga tao at gaya ng aming pinagplanuhan ay nagpaagos lang kami sa daloy ng mga tao patungo sa east side. Kamuntik na akong matumba nang bigla akong tulakin ng babaeng nasa likuran ko na nagmamadaling tumakbo patungo sa kaliwang bahagi kung na saan nakapila ang mga infected. Mabuti na lang at napakapit ako kay Zeros na nasa harapan ko. Naningkit ang mata ko nang makita ang isang lalaki sa lipon ng mga infected ang tumatakbo papasalubong sa babaeng tumulak sa akin kanina. What the hell? It feels like, we're watching a movie habang parehas silang tumatakbo papunta sa isa't isa. Pansamantalang natigil ang pila at pinanood kung paano silang dalawa magkikita. Pero halos nanlaki at napasigaw ang lahat sa takot nang binaril ng lalaking pulis ang lalaki sa kaliwang balikat na ikinatumba niya. Makikita mo ang takot sa mga taong malapit sa lalaki matapos ang nangyari. Tangina. "Miss, kung ayaw mong mahawa 'wag mo nang tangkaing lumapit pa sa lalaki," sabi ng pulis nang tuluyan siyang makalapit sa babae. Inalalayan ng pulis ang babae na natutula sa nangyari na makabalik sa aming side, pero nang mabalik sa wisyo ang babae ay mabilis niyang tinapunan ng masamang tingin ang pulis na nakaalalay sa kanya at sinigawan ito. "How dare you! Bakit mo siya binaril!" puno ng galit na sigaw ng babae. "Go and get infected then," sagot ng pulis. Tanginang sagot 'yan. He isn't helping. Ipaalala niyo sa akin na patayin 'yang gago na 'yan kapag natapos ang lahat ng kaguluhang ito. Hindi ako magdadalawang-isip na gawin 'yon. Mabilis na nagtatakbo ang babae papalapit sa sugatang lalaki, kahit pa alam niyang maari siyang mahawaan ng nito. "Matapang ka hija pero tanga. Handa kang sumama sa lalaking 'yan kahit pa alam mong infected siya," iling-iling na sabi ng pulis. "Maybe I'm insane and stupid. Pero mas pipiliin kong mahawaan kay sa naman sumama at sumugal ako sa loob ng walang kasiguradhan kung maliligtas ba kami o hindi," pabalang na sagot ng babae. "Then go, hold onto your hopeless love," aroganteng sagot naman ng pulis. "Gago! Hayop ka! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa amin sa loob kung ang isang katulad mong walang puso ang nagbabantay sa amin!" malakas na sigaw ng babae sa kanya. "It's time. Habang wala pa sa atin ang atensyon ng lahat," mahinang sabi ni Keil na sinangayunan namin. Mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa damit ni Zeros nang namalayan kong nakakapit pa rin ako sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa east wing nang tahimik habang abala ang lahat sa panunod sa eksenang nagaganap sa gitna. Tama ang babae. Gaya ng sabi ni Kuya kapag nakaapak na kami sa loob ng arena ay wala nang magagawa ang aming impluwensya at yaman. There's no assurance that we will be treated nicely inside. Even if we were that influential person, it will be nothing inside the arena. We carefully sneak in to the east wing. Ingat na ingat kaming hindi mahuli at mapansin ng mga tao. "Dito guys," Minna lead us the way. Tahimik at walang angal na sinundan lang namin siya nang pumasok siya sa isang puting pintuan kung saan bumungad sa amin ang babaeng may maikling buhok na tinutukoy ni Minna na kaibigan niyang si Gale. Mabilis na isinara namin ang pintuan ng makapasok na kaming lahat sa loob. "Gale," pagtawag ni Minna sa babae bago ito binigyan ng mahigpit na yakap. "So, how can you help us miss Gale?" wala ng paligoy-ligoy na tanong ni Froy. "I'll be honest with you," panimula niya habang nakaabang kami sa sunod niya pang sasabihin. Pakiramdam ko ay alam ko na ang susunod niyang sabihin. "I can let you be with your infected friend, but I can't guarantee you all that you'll be safe inside the arena," seryosong sabi niya na siyang inaasahan ko na simula pa kanina. "You need to keep your friend away from people who aren't infected. 'Yon lamang ang hihingin ko sa inyong kapalit. Hindi na namin gustong tumaas pa ang bilang ng mga infected kaya hanggang maaari ay ilayo niyo siya. Isang pagkakamali ang ginagawa ko, but I owe Minna a lot that's why I'm helping you out," dagdag niya na hindi naman namin tinutulan. "Don't worry. Alam na namin ang kailangan naming gawin kapag pasok ng arena," sagot ni Maggie. "Mabuti ng nagkakaintindihan tayo. Follow me," sabi niya kaya agad naman kaming sumunod sa kanya. "We will going to have a procedure test to know if the person is infected or not. Everyone is a must and required to run that test. Isa ako sa magtetest ng saliva ng tao at maging ng kanilang temperature. Kaya madali na lang para sa akin ang ipasok ang kaibigan ninyo," she explain further. Sa nakikita ko ay mukhang wala siyang ideya sa mangyayari sa arena kapag nagsimula na ang quarantine. Na may mga scientist na katulong at mga doktor galing sa iba't ibang bansa sa pagtuklas at paghanap sa naturang bakuna sa sakit. She's a nurse, nakakapagtaka na wala siyang alam tungkol sa bagay na ito. Napahinto kami nang sumalubong sa aming pagliko ang mahabang pila ng mga taong papapunta sa testing area. "For now. Magpadaloy muna kayo sa agos ng mga tao. Ako ng bahala sa inyo kapag nagsimula na ang procedure ng pag-tetest sa inyo," sabi ni Gale at wala na kaming nagawa kundi sundin ang kanyang sinabi at humalo sa mga taong nakapila. "Can we trust her?" naniniguradong tanong ni Brenda. "Mapagkakatiwalaan natin siya. 'Wag kayong mag-alala," mabilis na sagot ni Minna. I hope Minna's right, that she's worthy of our trust. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD