Unknown Disease
22 | The Test
_______________________________________
Astrid
Tahimik na sumunod lang kami sa mahabang pila ng mga tao papasok sa testing area. Nang makarating kami sa may unahan ay kaagad kaming nahiwalay sa mga lalaki dahil pinaghihiwalay ang pila ng babae sa lalaki.
Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko na ang kasalukuyang nagaganap sa testing area. They were running the test by simply getting sample of a person's saliva pagkatapos ay pinapasok sila sa isang apparatus tube kung saan inii-scan nila ang maliit na pulang marka sa katawan ng isang tao.
Bago pa man kami tuluyang makahiwalay sa mga lalaki ay mabilis kong hinila papalapit sa akin si Priam.
Nagtatakang pinagkatitigan naman ako nila sa aking ginawa pero mabilis kong nilihis ang tingin sa kanila at nagpokus kay Priam.
"Where do your red circular spot located?" bulong na tanong ko sa kanya para magkaintindihan kami. Nakatulong ang aking height para hindi ako mahirapang abutin siya at bulungan.
Nakita ko sa mukha niya na mukhang naintindihan niya naman ang gusto kong ipahiwatig.
"On my nape."
Maingat na kinuha ko 'yong micro chip ko sa bulsa na makakapagtago ng anuman sa kanyang balat at nilagay ito sa likod ng kanyang leeg bago ako tuluyang humiwalay sa kanila.
Hindi basta-basta ang micro chip na ginamit ko. Maraming kayang gawin ang bagay na ito depende sa kung anong gusto kong mangyari. Isa sa features nito ang pagtatago ng kahit ano sa balat ng tao, pagkaparalyze at marami pang iba.
"What did you do?" Maggie asks.
"I planted a micro chip on his nape para maitago ang maliit na marka sa kanyang leeg na isa sa mga sintomas ng sakit. Since Gale is in charge of checking the saliva, she can't manipulate what will happen on the test tube," mahinang paliwanag ko na kaagad naman nilang nakuha.
Habang papalapit kami ay mas lalo kong nakikita ang kabuuan ng nangyayari sa testing area. Mayroong dalawang linya kung saan nagaganap ang throat swabbing at pagtingin ng temperatura ng mga tao. Sa likod nito ay ang apat na tube apparatus na may nagbabantay na tao sa kada tube.
Malinaw na ang kaliwang bahagi ay ang puwesto kung saan nagaganap ang testing para sa mga infected. Hindi ko alam kung paano silang tinetest dahil 'di tulad sa amin ay walang nagsa-swab sa kanila at tanging ang apparatus lang ang kanilang dadaanan bago makapag-proceed sa susunod. 'Di rin nakatakas sa aking tingin ang puno ng dugo na sahig na nanggaling sa walang tigil nilang pag-ubo.
Nailang naman ako nang makita kong pinagtatanggal ng pantaas ang mga taong dadaan sa tube apparatus
mapababae o lalaki man.
'Di nagtagal ay tuluyan na kaming nakalapit sa unahan kung saan nagaganap ang testing at si Brenda na ang sunod sa pila.
This is it. We just need to trust Gale, Minna's friend.
It's now Brenda's turn kaya agad na siyang pumunta sa mahabang linya ng mga nurses na nagsa-swab. Nakita ko naman sa side ng mga lalaki na si Keil na rin ang sina-swab. Mabilis lang silang natapos dito pati na rin sa pagkuha ng temperatura bago sila dumiretso sa tube apparatus section. Nakita ko pa ang hesitation sa mukha ni Brenda nang pinagtatanggal siya ng pantaas pero wala na rin naman siyang nagawa sa huli at nagtanggal nang pantaas.
Ilang segundo bago kumulay ng green ang tube apparatus na ibig sabihin ay free from infection sila. Mabilis na sinuot muli ni Brenda ang pantaas niya maging si Keil bago sila umalis sa test tube na sinundan nina Minna at Froy.
Napansin ko gamit ang cotton swab na ginamit sa mga tao ay nilulubog nila ito sa kulay puting kemikal na hindi ako masyadong pamilyar. If it turns blue then the person is free from infection, but if it turns red, then the person is infected.
Then sa tube apparatus naman, inii-scan ang bawat tao at kapag umilaw ito ng green ay ibig sabihin ay free from infection ang taong 'yon pero kapag hindi ay tutunog ito nang napakalakas at magkukulay pula. Pagkatapos nilang ma test ay lalagyan sila ng band na blue para malaman na sila ay hindi infected at malaman kung pang-ilan na sila sa mga iqua-quarantine.
Gano'n din ang ginawa sa iba. Hanggang si Priam at Maggie na ang sumunod sa pila. Kinakabahan ako sa mangyayari at ramdam kong maging sila rin. Nagpacross finger na lang habang pinagmamasdan si Priam na maglakad paabante sa pila.
Matamang sinundan ko ang kilos ni Gale na kumuha ng cotton swab then get Priam's saliva. I saw how she swiftly change the cotton swab into another one and dip it into the chemical that shows blue. Nakita ko ang maliit na pagngiti ni Priam kay Gale at ang paghinga niya ng maluwag matapos ang naging resulta.
Sumunod na naman ako pagkatapos Maggie at maging si Zeros na siyang nahuli. Gaya nang ginawa nila sa iba ay kinuhaan din nila ako ng laway pagkatapos ay nilulubog ito sa puting kemikal na nagpakita ng kulay bughaw na kulay na nagpapatunay na ako ay free from infection.
Chineck niya rin ang temperatura ko pagkatapos ay maliit na nginitian ko si Gale para pasalamatan siya. She did us a big favor at tatanawin namin 'yong malaking utang na loob.
Hinintay naming matapos si Maggie at Priam sa tube apparatus at gaya kanina ay nagkulay berde ang loob nito na nagpapatunay na hindi sa infected. Nakahinga na lang ako nang maluwag dahil sa naging resulta bago ako sumampa sa apparatus tube para sa aking turn.
Medyo nailang pa ako nang tanggalin ko ang aking white blouse. Mabuti na lang talaga at naalala ko na nakasando ako sa loob maliban sa panloob ko.
Hinayaan akong impeksyunin sa loob ng tube apparatus. Para akong hinihigop sa loob habang pilit na nanlalaban ang katawan ko habang nasa loob at gaya ng iba ay nakalabas din ako na parang walang nangyari sa tube ng buo at maayos.
Mabilis kong binalik ang white blouse ko at nahagip ng mata ko na gano'n din ang ginawa ni Zeros. Nilagyan nila kami ng blue band sa kaliwang kamay na may nakalagay na N69218 na numero ko pagkatapos ay tinuro nila sa amin ang daan papasok kaya sinunod lang namin ito at nagsimulang maglakad papasok.
Napaikot ang aking tingin nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Tumambad sa amin ang napakaraming bilang ng mga taong nagtatayo ng kani-kanilang tents.
Malakas na napabuntong hininga ako habang patuloy na pinagkatitigan ang paligid.
This is where our journey will begin. We just need to survive in this game of life.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆