Unknown Disease
23 | c***k of Dawn
_______________________________________
Astrid
Pagkapasok namin sa loob ng arena ay dumiretso kami sa kanang bahagi ng arena. Makikita mo ang napakaraming tent na nakalatag na sa buong arena. Sabi nila kanina ay maaari kaming manatali sa kahit saang tent na gugustuhin namin. Kaya pinili namin ang tent na malayo sa mga tao nang sa gayon ay mailayo namin si Priam sa mga tao.
"Here. Dito tayo," aya ni Brenda sa tent 1113.
Binakantehan naman namin ang tent 1113 at 1112 na nakita ni Brenda.
We girls occupied tent 1113 habang sila namang mga lalaki ang bumakante sa kaharap naming tent 1112.
Maliit lamang ang loob, kasya lang sa 4-5 na katao. Hindi na ako nagreklamo pa kasi kahit papaano ay may disente pa kaming matutuluyan.
Nahagip naman ng tingin ko sa gilid ang nakabalot na mga pagkain at inumin nasa estima ko ay aabot lang ng apat hanggang limang araw. Balak ba nila kaming gutumin?
"Pagkapasok niyo sa kanya-kanya niyong tent ay may makikita kayong food supply sa loob nito. I would like to remind you that there's a few food stocks in there. Hindi tayo makakasiguro na kakasya ang supply for a week that's why you need to consume your food efficiently."
Narinig naming anunsyo mula sa intercom. Pagkatapos ng announcement na iyon ay dumadagundong ang kabi-kabilang reklamo ng mga tao sa paligid. Like, hindi raw ito makatarungan at marami pang-iba.
We just remain silent the whole time. How can we survive sa kakarampot na pagkain na ibinigay at prinovide nila sa amin? Hindi sakit ang papatay sa amin kun'di gutom.
Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa nangyayari. Ano nga ba naman kasing inaasahan ko di 'ba? Bago pa man kami makapasok dito ay ipinaalam na sa akin ito ni Kuya Cyrus. Hindi ko naman aakalain na ganito kalala.
"I'm scared," utas ni Brenda.
"Me too. Natatakot ako sa maaring mangyari sa atin," segunda rin ni Minna.
"We all feel it. Pero kailangan nating lumaban at makasurvive rito. We should not lose hope. It's not like end of the world na," pagpapagaan ng loob na sabi ni Maggie na sinangayunan naming lahat.
Tama siya. 'Di pa ito ang katapusan ng mundo. Lilipas din Ito. It's a survival of the fittest. Kaya kung mahina kami ay agad kaming matatalo ng sarili naming isipan. It's a matter of the right mindset.
Silence envelope us after our conversation at walang kahit sino ang nagtatangkang magsalita.
I remember that I still have something to tell them, but I'm so tired right now, physically and emotionally. I want a break. Bukas ko na lang sasabihin sa kanila ang mga nalaman ko. They need to rest first. We all need it.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako dahil sa pagod mula pa kanina.
_____
"Hmpph!"
Naalipungatan ako sa pagkakatulog nang makarinig ako ng kaluskos sa labas.
"Hmph. Where are you gonna take me? Let me go!"
Agad akong napabangon at tininggan ang mga kaibigan ko sa tent matapos nang aking narinig at nakahinga ako ng maluwag nang makitang kumpleto silang nandito habang natutulog. But why I keep on hearing sounds?
Agad akong kinabahan dahil dito at dahan-dahan kong binuksan ang tent namin bago sumilip sa maliit na siwang nito at halos nanlaki ang aking mga mata ko at dumoble ang pagtibok ng puso ko nang makita kong bahagyang nakabukas ang tent na tinutuluyan ng mga lalaki. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at madaling lumabas ng tent namin at tuluyang binuksan ang tent na kinaroroonan ng mga lalaki. Mahinang napamura ako nang makitang wala si Zeros.
Shit. Where's Zeros?
I heard another squall coming from a voice of a guy kaya maingat ko itong sinundan. Sinisigurado ko na ang kada hakbang na ginagawa ko ay hindi nakakagawa ng anumang ingay. It's still dark pero alam kong papaumaga na base sa simoy ng hangin sa loob. Alam kong ilang mini na lang bago lumitaw ang araw kaya mas nagmadali akong sundan ang tunog na aking naririnig.
Napakagat ako ng labi nang tuluyan kong makita sa 'di kalayuan ang dalawang armadong lalaki habang hawak-hawak sa magkabilang braso ang isang lalaki. Mabilis akong naalero at nagtago para hindi nila ako makita. I silently come closer to them to confirm that it's a guy. I'm not hundred percent sure kung si Zeros ba ang hawak nila dahil tanging likod lamang nila ang nakikita ko isama mo pa ang madilim na puwesto nila na nagpahirap para sa akin na makita.
"He has a good and healthy body. He's a good choice for our lab experiment," A guy wearing a lab coat appeared.
Natigilan ako sa kinaroroonan ko nang makakita ako ng scientist na naglalakad papalapit sa dalawang armadong lalaki. 'Wag mong sabihing gagawin nilang test subject si Zeros? Well, f**k.
Nablangko ang aking isipan at ang tanging naglalaro na lang sa aking isipan ngayon ay ang kagustuhang iligtas si Zeros mula sa kamay nila. They can't get him. I won't let them get him. I'm about to run towards their direction when someone grabs my hands and pushes me on the side at mahigpit na tinakpan ang bibig ko.
Mahinang napamura ako sa ginawa ng humatak sa akin.
"Who's there?" I heard the armed guy ask. Seems like we made a noise and they heard us.
Shit. Would I be caught for my stupidity?
"It's already sunrise. We cannot let others see me. Get that man. Quick," narinig kong utos ng scientist sa mga armadong lalaki at narinig ko na ang kanilang yapak papalayo.
Tanging pagpupumiglas lang ang naririnig ko sa lalaking bitbit nila. Tangina madadala na nila si Zeros papalayo. I need to save him. Mabilis kong tinulak 'yong lalaking humatak sa akin kanina at tinanaw ang papalayong pigura ng mga armadong lalaking dala-dala si Zero's kasama ng isang scientist.
Nang magsimulang umaraw ay halos nanlaki ang aking mga mata nang tuluyan kong nakita ang mukha ng lalaking hatak-hatak nila. It wasn't Zeros. What the hell. Then where's Zeros?
I know it's reckless of me to follow them kaya tinandaan ko na lang ang mga mukha ng akala kong kumuha kay Zeros. Pero 'di ko na nakita pa ang mga mukha nila ng ibaba nila ang suot nilang gas mask na nagtatago ng kanilang mga mukha
"Stupid," narinig kong sabi ng boses lalaki na ikinakunot ko ng noo. Mabilis ko itong nilingon sa likod to see na si Zeros ang lalaking nagsalita.
Gumaan naman 'yong pakiramdam ko to see Zeros alive and kicking. Napapikit ako ng mariin at malakas na napabuga ng hangin dahil dito. I almost got myself in trouble sa pag-aakalang nakuha na si Zeros.
I hit his arm hard dahil sa sobrang paga-alalang naramdaman ko. He made me worry tapos sasabihin niya lang akong stupid?
"What the f**k! Why did you punch me?" asar na angal niya sa akin.
"Kamuntik na akong mahuli sa pag-aakalang ikaw 'yong lalaking hatak-hatak nila tapos sasabihin mo lang akong stupid?" puno ng iritasyon na tanong ko.
Mabilis na nilagpasan ko siya dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Binangga ko pa siya sa braso dahil sa asar ko. Damn him! Bakit ba kasi nag-aalala pa ako sa kanya? He doesn't even deserve the slightest of my care and concern.
"Hey, where have you been? Nagising na lang ako wala ka na, kayo ni Zeros," tanong ni Brenda pero sinamaan ko lang siya ng tingin bago asar na nilagpasan siya.
"Hala galit. Anyare?" Minna asks but I just gawk at her at asar na pumasok sa tent.
Nag-iinit ang ulo ko. Damn Zeros! I shouldn't have let my emotions affect my decision. Look what happened. I almost got caught.
"Hey, Zeros. Anong nangyari? Bakit galit si Astrid? Anong ginawa mo?" tanong ni Keil pero nagkibit balikat lang ang gago. Tell me to assault him once I've gotten out of here. I should be having my death notebook starting today so I can remember whom to kill once this s**t over.
Mabilis na lumipas ang oras. Nakakain na kaming lahat at sinigurado naming tinipid namin ang supply ng pagkain na mayroon kami gaya ng paalala sa amin.
Nasa bench kami ngayong lahat nakaupo malapit sa tent namin. Nasa pinakadulong parte kasi kami ng arena kay may mga benches doong malapit sa amin.
"Iyong totoo, ano ngang nangyari sa inyo? Nakakasuffocate 'yong aura niyo eh," tanong ni Brenda na bumasag sa katahimikan namin.
I send daggers by looking at Zeros and he just defends it with his cold stare that send chills to anyone who'll look at his eyes, but not me. It won't work for me.
"Ano magpapatayan na lang ba kayo sa pagtitinginan? Care to explain what happened?" iritang tanong ni Brenda na mukhang nawawalan na ng pasensya sa amin.
"Oo nga, nawala kayo ng sabay kagabi or should I say kaninang madaling araw. Then magkasunod din kayong bumalik tapos ganyan na kayo. So really, tell us what happened?" Froy asks, but we still keep our mouth shut.
"Don't tell me you two did — No!/ Hell no!" mabilis naming putol sa sasabihin sana ni Minna.
"Then ano ngang nangyari? Tangina sabihin niyo na agad!" hindi na napigilin ni Maggie ang pagtaas ng boses.
Nagsukatan pa kami ng tingin ni Zeros at humalikipkip na lang siya as a sign of defeat. What a gay.
"I was about to go to the bathroom when I heard this screeching sound, and so, out of curiosity, I followed where the noise was coming from. Then, I saw two armed guys holding a filthy guy, then afterwards, a scientist wearing a lab gown appeared. Seems like they were taking the guy for some lab experiment. Since I've heard the scientist said that he's quite healthy and a good choice. Then here comes the stupid h****n Astrid," he stop for a bit and look at me but I just gawk at him. Again with his stupid remark.
"She's about to come towards the direction of the armed guy trying to save the filthy guy. So, I immediately stopped her before she make a stupid mistake. We almost got caught. If it wasn't for the sunrise, for sure that we're now one of those lab rats," pagkukwento niya at parang lumabas na kasalanan ko pa dahil sa katangahan ko.
Kaya mas sinamaan ko siya ng tingin.
"Why did you do that, Astrid?" Minna unbelievably asks.
Damn you Zeros!
"At siya pa ang may ganang magalit sa 'kin matapos ko siyang iligtas . How sweet to say thank you by punching me on my shoulder," he added with full of mockery.
Great, they were now all looking at me like I'm the most stupid person they've ever encountered. Thanks to Zeros. Though ayoko ng ulitin 'yong sinabi ko sa kanya but I have to. I have no choice. Damn it.
"Don't worry. I'm just this sweet to punch you every time I feel overwhelmed by your sincerity, dear," I reply, mocking him.
"I was just anxious thinking that you were the guy who got caught by those bastards. I'm really sorry, sorry for acting stupid trying to save someone who's not worth saving for," I irritatedly says.
I know in the first place that I'm reckless and stupid. No'ng time pa lang na binalikan ko sila not knowing that it's the safest place for them to stay in this situation. I'm stupid for bringing them here, quarantined, with me. I know I am. I'm just this stupid Astrid they know and I admit it.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆