Unknown Disease
24 | Missing Persons
_______________________________________
Astrid
Pagkatapos nang sinabi kong iyon ay natahimik kaming lahat. Walang gustong magsalita. Tanging ang ingay lamang nang usapan sa paligid ang tanging maririnig.
Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon na mukhang gumana naman.
Naalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Kuya Cyrus kahapon at sa tingin ko ay dapat ko nang sabihin sa kanila ang tungkol doon.
"Do you remember the call I received yesterday at the bus?" panimula ko.
"When Cyrus called you and you seem down? Of course naaalala ko iyon. Paano ko ba naman 'yon nakakalimutan eh bibihira sa iyo ang umiyak, yet you did that day," mahabang sabi ni Minna na mabilis kong sinamaan ng tingin dahil sa paglabas niya ng tungkol sa pagiyak ko. Bakit naman kailangan niyang sabihin pa 'yon? Oo at hindi lang naman ang sagot.
"Why? Bakit ka umiyak? May masama ba siyang binalita?" Keil curiously asks.
Malalim na bumuntong hininga ako bago ako mulling nagsalita.
"Yes. He did tell me some bad news," I answered.
Hindi pa ako nagsisimula pero nakokonsensya na ako. I feel like it was all my fault. Naguguilty ako sa isipang kasalanan ko kung bakit kami na sa ganitong sitwasyon ngayon. Kung bakit kami ngayon nasama sa quarantine kung saan walang kasiguraduhan ang aming kaligtasan.
"What happened? Puwede bang diretsuhin mo na lang kami," turan ni Priam na mararamdaman mo ang kaba.
"Yes. Tama ka siguro Zeros..." paunang sabi ko bago seryosong pinagkatitigan sa mata si Zeros.
"I'm stupid and reckless. I messed it all up. I didn't think before I act. I'm sorry. Matapos nating malaman na magkakaroon ng lockdown ay pilit na akong pinaalis ng mga magulang ko papaalis ng city. Paalis na sana ako kun'di lang tumawag si Minna sa akin saying that you were trapped in our building. Kaya kahit alam kong ‘pag bumalik pa ako ay hinding-hindi na ako makaalis pa at masasama ako sa lockdown ay ginawa ko pa rin. I disobey my parents para iligtas kayo mula sa kapahamakan. Akala ko kasi eh. I thought it was the right thing to do, but it turns out that I was wrong," I paused for a minute cause I know any moment from now ay bubuhos na ang kanina ko pang pinipigilang luha.
"Why? Saving someone has never been wrong Ash," Brenda says and so I vary.
"Yon din ang akala ko, pero hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay tama ang inaakala mong tama Brenda. 'Cause, I, saving you guys brings you into a more messier situation. Cyrus told me that once we've entered the arena, there's no turning back. We can't use our connection as long as we're inside the arena. Katulad nang nakita namin kanina lamang ni Zeros. Doctors, were not only the one who will facilitate the arena. Maging ang mga scientist ay in-allow ng gobyerno to facilitate the arena. At alam kong alam ninyo kung paano sila magtrabaho hindi ba? Inside the arena, we're a free range. Anyone inside the arena could be their test subject and that explains what happened earlier," I explain further.
"Anong tingin nila sa atin? Hayop?" hindi makapaniwalang tanong ni Froy.
"Ang sabi nila ay kailangan nating manatili naka-quarantine sa loob ng isang linggo hanggang sa oras na mahanap nila ang bakuna sa sakit but you know how time could be scary. It may betray us all at baka sa oras na dumating na ang panahong ibinigay nila sa atin ay mas dumami pa ang bilang ng mga infected since we're in a crowded area so hindi mahirap mangyari 'yon. Aside from that ay may kailangan pa kayong malaman," ang sabi ko pa at kita ko sa mga mata nila ang kaba at takot.
"What is it? Spill it," mabilis na sabi ni Maggie.
"Ang pamilya ko sa inyong pagkakaaalam ay kasama sa mga frontliners na tumutulong sa paghahanap ng cure ‘di ba. Pero mukhang pati ang paghahanap nila sa bakuna ay nasira ko rin dahil sa ginawa kong pangingialam," I voice out that makes them look confused.
"Why? Don't tell it was all about me?" Priam asks, looking straight at my eyes kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Bakit? Sabihin mo sa amin anong kinalaman ni Priam dito?" mabilis na tanong ni Maggie dahil sa inakto ko.
"He's the pioneer Maggie and see how he's still alive and kicking till now. They might get the cure as soon as possible if he's with them. If I didn't get back to save you guys. Siguradong ligtas kayo ngayon at sa mga oras na ito ay napapadali na ang paghahanap ng bakuna sa sakit, pero dahil sa akin nagulo ang lahat," nakayukong sabi ko.
"Kaya tama ka Zeros. I'm stupid. I'm reckless. Tell me whatever names tatanggapin ko. Hindi ako nag-iisip bago kumilos. I messed up and I admit it. I'm sorry, I'm really sorry, but I can't turn back the time kahit pa gustuhin ko man," sabi ko habang iniiwasan na magtama ang tingin sa kanila. Naguguilty pa rin ako sa nangyari at nagawa ko. Wala akong lakas na harapin sila dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat.
A loud alarm fills the whole arena that saves me from them. Agad kaming nagsitayuan at sinundan ang tunog kung saan ito nanggagaling.
We run as fast as we can at nakita namin ang mga nagkakagulo mga tao sa 'di kalayuan. Anong nangyayari bakit nila sinisigawan ang sundalong nagbabantay?
"Nawawala ang asawa ko! Nawawala si Linda!"
"Bring my daughter back to me!"
"Saan niyo dinala ang asawa ko?"
We stopped near them. Nakita namin ang tatlong taong galit na galit sa nagbabantay na sundalong kaharap nila.
"Pasensya na ho pero hindi ko alam kung nasaan ang hinahanap ninyo. Baka naliligaw lang sila dahil sa laki ng arena," mahinahong sagot ng sundalo sa mga paratang sa kanya.
"Impossible! Katabi ko pa matulog ang asawa ko kagabi," iling-iling na sambit ng babae
"Hindi umaalis ng basta sa tabi ko ang anak ko," says the old lady who's crying.
"Malaki ang posibilidad na alam niyo kung nasaan sila. Kaya please pakihanap sila," sabi naman ng lalaki. Bakas ang desperasyon sa mga mata nila na mahanap ang kanilang nawawalang mga mahal sa buhay.
"We will try our best to find them. Just stay calm and don't panic," sabi pa ng sundalo habang pilit pinapakalma ang lahat.
He's the only one na na-encounter naming mabait na sundalo. I mean 'yong maayos umapproach sa mga tao.
"Please pakihanap ng anak ko!" The old lady pleaded at napasinghap ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ng sundalo.
"Sabi na ngang hahanapin namin ang mga pamilya niyo eh!"
Lahat kami ay nagulat sa biglang pagpapaputok ng kadarating lang na sundalo bago tinulak ang nakaluhod na babae papalayo sa kasamahan niya.
Mabilis akong lumapit sa babae para tulungan siyang makatayo na siyang malapit lang siya puwesto ko.
"You don't need to push him you asshole!" gigil na sigaw ko sa sundalong tumulak sa umiiyak pa rin na babae.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinila na papaalis ang kasama niya papaalis kasabay ng pagkawala ng alarm sa buong arena.
"Okay lang po ba kayo?" I asks her as I help her from standing up.
"Yes. Thank you. I just want my daughter back. My daughter," she says as she continues to cry.
Hinatid namin siya hanggang sa tent niya dahil mukhang hindi niya kakayaning mag-isa lalo pa sa kaniyang kalagayan.
Nakuha naman ng atensyon ko ang sundalo sa itaas na nagwawagayway ng pulang tela pakanan at pakaliwa. What's that for? Parang ngayon ko lang 'yan nakita sa buong maghapon namin dito.
"Dito na 'yong tent ko. Salamat sa inyo," sabi ng babae na nakapagbalik ng atensyon ko sa kanya.
"Wala pong anuman," Brenda reply with a smile on her face.
Napagalaman namin na galing siya sa tent 1212, iyong lalaking nawawalan ng asawa naman ay galing sa tent 1122 habang 'yong isa pang babae na nawawalan ng asawa ay mula sa tent 1111 na inakala kong si Zeros.
Isang araw pa lang ang lumipas o mas magandang sabihing isang gabi pa lang ang nakakalipas ay tatlo na kaagad ang nawala. Paano pa sa loob ng isang linggo? Ilan pa ang mawawala?
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆