Unknown Disease
25 | Pattern
_______________________________________
Astrid
Napagpasyahan muna naming bumalik sa aming tent matapos ang nangyaring kaguluhan.
"Wala pang isang araw ang lumilipas tatlo na kaagad ang nawala," says Minna morosely.
"You're right Ash. We're a free range inside this f*****g arena," Keil holler.
We're all displeased from what we've seen a while ago. Sino ba namang matutuwa gayong alam at nakita namin ang kanilang ginawa?
"We should do something," Priam voices out.
"What do you mean?" Froy asks.
"We should do something para hindi na madagdagan pa ang mga mawawala," pagpapatuloy ni Priam sa kanyang unang sinabi.
"How?" puno ng pagtatakang tanong ni Maggie
"Wala ba kayong napansin kanina?" tanong ko sa kanila.
"Notice what?" Keil curiously asks.
"The number of their tents are composed of only 1 and 2 numbers," pagsagot ni Zeros.
"It couldn't be a coincidence. I guess that's a pattern," sabi ko pa.
"Maybe they want us to find them?" hindi siguradong sambit ni Maggie.
"They're intentionally leaving hints and were keen to see those," dagdag ko pa.
"So, what about the pattern?" Froy asks.
I look at Keil and from the looks of him, I knew that he already has an idea.
"A code," Keil utter.
"Wala akong alam sa code code na 'yan. I'm outta here," Brenda jokingly says
"Me too," segunda naman ni Minna sa sinabi ni Brenda.
"Don't worry guys we still have Keil," Froy says as he tap Keil's shoulder
"So, what do you think about it? Where do you think that numbers are related?" Priam asks.
"I actually know lots of codes related with that number but it could be hard dahil kapag sinabi kong marami, talagang madami," seryosong sagot ni Keil.
"We can split team. Para malaman kaagad natin," suggest ni Minna na sinang-ayunan naman ng lahat. Si Keil na ang nag-grupo sa amin at nagbigay ng kung ano-anong codes na gagawin at pag-aaralan namin at ending ay naging ganito ang groupings namin.
Priam - Maggie
Brenda - Froy - Zeros
Me - Keil - Minna
"It's not making any sense at all," nagkakamot sa batok na utas ni Priam
"Kaya nga nahihilo na ako dito puro numbers," sang-ayon ni Minna na biglang sinubsob ang mukha sa papel na hawak niya.
"Let just continue it tomorrow. It's already late at night," ang sabi ko bago ko sinandal ang likod ko sa nasa likuran kong si Froy.
"Hala! Gabi na pala!" hindi makapaniwalang tanong ni Brenda ng sinilip niya ang labas.
"Hindi umaga pa. Duh. Obvious naman di 'ba," mataray na bara ni Maggie kay Brenda.
"Duh. I know na gabi na you know," Brenda replied mimicking Maggie's voice.
Inirapan lang naman siya ni Maggie dahil sa ginawa niyang iyon.
"Sa tingin niyo aabot pa itong supply na ito sa isang linggo?" tanong ni Minna na nag-aayos ng pagkain na kakainin namin ngayong gabi. Isang cup ng instant adobo food at pack ng rice ay inihanda ni Minna.
"Hindi. Kaya kailangan nating magtipid," ang sagot ni Froy at naghanda na kami para kumain.
Umupo na kaming lahat pabilog at nagsimula nang kumain.
"What do you think our family's doing right now?" Brenda asks out of nowhere.
"I miss them. Hope they're safe," Minna says.
"They're safe for sure," sabi ko matapos kong ligpitin ang aking pinagkainan bago nagpaalam sa kanila para pumasok sa tent namin.
No'ng pumasok kami dito ay cinonfiscate nila ang lahat ng HW, phones at kung ano-ano pang gadget na dala kami. So, we don't have any connections to communicate outside the arena. Sucks.
Humiga na ako sa puwesto ko bago ko ipinikit ang mga mata ko. Ano na kayang ginagawa nila Mom and Dad ngayon? Hindi ba sila nahihirapan sa paghanap ng bakuha? I hope na okay lang sila ngayon. No, I must claim it na ayos ang kanilang kalagayan.
Pinagsawalang bahala ko na lang iyong isiping iyon at unti-unti na akong nilamon ng antok.
______
"Astrid! Astrid! Gising!"
"Guys gumising kayo!"
Dahan-dahan akong napamulat ng mga mata at nakita si Brenda na sumisigaw at pilit na ginigising kami kaya agad akong umupo sa pagkakahiga.
"Why? Anong nangyayari?" tanong ko habang kinukusot-kusot pa ang mga mata ko.
"Si Zeros nawawala!" hysterical na sabi niya na tuluyang nagpagising sa akin.
"Ano? Anong nawawala si Zeros?" hindi makapaniwalang sigaw ni Maggie at mabilis kaming nagsilabasan sa tent at nakita naming maging ang mga lalaki ay kapwa hindi alam ang gagawin.
"Paano? Paanong nawala si Zeros?" garalgal na tanong Minna.
"Hindi rin namin alam. Pagkagising namin bigla na lang siyang nawala sa tent at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik," pagkukwento ni Froy na halos hindi rin mapakali.
"Maging sa kabilang tent ay nawala na rin 'yong babaeng nawalan ng asawa kahapon. Hindi namin alam kung anong nangyayari," dagdag pa ni Brenda habang patuloy sa pagpatakan ang kanyang luha.
Agad naman akong lumapit sa tent na sinasabi nila na halos katabi lang ng tent nila Zeros.
Binukasan ko ito at wala ngang kahit na sinong tao ang naabutan ko sa loob.
"Hindi kaya nagalit sila at pati siya ay kinuha?" kinakabahang tanong ni Minna.
"Ang mabuti pa ay maghiwa-hiwalay tayo para mas mabilis nating mahanap si Zeros at malaman kung sino pa ang mga nawawala," suwestyon ni Priam na sinang-ayunan namin.
"Sige. Magkita-kita na lang tayo rito," sang-ayon ni Maggie at agad na kaming pumunta sa kaliwang direksyon. Magkakasama kami ng mga babae habang sila naman ay sa kanang mga lalaki.
Sa pagtakbo't lakad namin ay napansin ko ang malulungkot na mukha at takot na takot na mga tao.
"Natatakot ako. Baka tayo naman ang isunod," naiiyak na sambit ng babae.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lapitan siya.
"Ano pong nangyayari?" tanong ko
"Iyong tao riyan sa kabilang tent ay wala na rin. Kahapon ang kaniyang anak ngayon naman siya na ang kinuha," nahihintakutang kwento ng babae.
Halos napatigil kami sa sinabi niya. Iyong babaeng tinulungan namin ay wala na ein? Ano? Bakit? Iniisa-isa ba nila ang mga tao sa tent hanggang sa maubos sila? Hindi ko na talaga alam. Gulong-g**o na ako.
"Halikayo mukhang nagkakagulo sa banda roon," aya ni Minna na agad kaming hinila papatakbo sa direksyon na tinutukoy niya.
"Si Sarah! Asan na siya! Ilabas mo siya!" sigaw ng babae sa isang lalaking nakayuko na lamang sa harapan niya.
"Saan mo siya dinala ha! Pati si Criza ay nawawala rin! Bakit ha?" patuloy na sigaw ng babae habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
Nakaagaw na siya ng atensyon at halos lahat na ng tao ay nasa kanila na ang buong atensyon.
"Ang sabi mo may pinuntahan lang. Nagawa mo pang puntahan si Criza sa tent niya kahit sobrang layo kasi nasa 11 siya. Tapos malalaman ko na lang na wala na pala sila. Ano magsalita ka!" sigaw pa rin ng babae habang sinusuntok-suntok ang dibdib ng lalaki.
"Makinig ka Grace, hindi ko alam. Wala akong alam," mahinahong paliwanag ng lalaki at pilit na pinapatahan ang babae.
"Sinungaling!" bulyaw ng babae bago malakas na sinampal ang lalaki.
Nalihis ang atensyon ko sa eksena nang muli kong nakita ang pulang tela mula sa taas na winawagayway ng isa sa mga sundalo.
Ilang minuto kong pinagkititigan iyon hanggang sa manlaki ang mga mata ko ng may magpagtanto ako. s**t.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆