Wig Wag

1547 Words
Unknown Disease 26 | Wig Wag _______________________________________ Astrid Tangina. Bakit ngayon ko lang 'yon naisip? Iyong flag 'yong mga numero. f**k, they are all connected. Inalisa ko isa-isa at inalala ang mga nangyari simula kahapon habang patuloy ko pa ring sinusubaybayan ang pagwagayway ng flag sa itaas. Unang nawala kahapon ay ang anak ng babae na tinulungan namin mula sa text 1212. Nakita kong winagayway ng lalaki ang flag pa kaliwa, kanan, kaliwa at kanan. Sumunod ang babae na nawalan ng asawa na mula sa 1111. Ito 'yong lalaking napagkamalan kong si Zeros. Apat na beses namang iwinagayway ng laki pakaliwa ang flag. Pagkatapos no'n ay iyong lalaki na nawalan ng asawa from tent 1122. Sunod 'yong babaeng hinatid pa namin kahapon sa tent na nawalan ng asawa from tent 1122. Sumunod naman 'yong babaeng tinulungan namin kahapon from tent 1212. Then there's Zeros from tent 1112. Lastly, 'yong babaeng patuloy pa ring sumisigaw at humahagulgol dahil sa pagkawala ng mga kaibigan niya, tent 11. Dalawang beses na iwinagayway ng lalaki pakaliwa ang hawak ng flag bago inulit mula sa umpisa na para bang sequence. Ang numero uno ay kumakatawan sa pagwagayway niya ng flag pakaliwa habang ang numero dos ay pakanan. Now I get it. Bakit ba ngayon ko lang napansin? "Hey! Astrid are you even listening?" medyo iritang sabi ni Maggie. "I think I c***k the code," bulalas ko at nagmadaling bumalik papunta sa tent namin. "Hey! Easy Astrid! Antayin mo kami!" tawag sakin nila Brenda. Agad naman kaming nakarating sa tent at agad kong kinuha ang papel at pen na ginamit namin kahapon lamang. "Found anything?" tanong ni Keil kasama ang ibang lalaki na mukhang kakabalik lang. "Astrid thinks she c***k the code," sabi ni Brenda. Pumasok ako sa loob ng tent at gano'n din ang ginawa nila. Sinarado namin 'yon to make sure na walang makakarinig sa magiging usapan namin sa loob. "Ano? Anong nakuha mo Astrid?" tanong ni Priam. "Have you noticed the flag?" I asked. "Oo. Lagi 'yong winawagayway ng sundalo sa may pinakataas na row ng benches. Why?" takang tanong ni Froy. "Wig wag," sambit ni Keil. There you go. "It's the wig wag code. It was used in the civil war to communicate during battles also called the flag signals and now ginamit nila ito to give us the pattern and hints," dagdag pa ni Keil. "So what's the code?" tanong ni Priam. Sinulat ko kaagad 'yong pattern sa papel na hawak ko. 1212 - E 1111 - G 1122 - M 1122 - M 1212 - E 1112 - D 11 - I Pinakita ko sa kanila ang nabuo kong code. "Alam ko 'yan. It's the EGM Medical Center," sabi ni Maggie. "I've been there last year," dagdag niya pa. "So, dito nila dinadala 'yong mga kinukuha nila at ginagawang lab rat?" panigurado ni Minna. "Yes at mamayang paglubog ng araw sunod naman nilang kukunin ang mga nasa tent 1221, 112 at 2 baka isama na rin nila ang mga nasa tent 1221, 1212, 222, 211, 1212 at 2122," sagot ni Keil bago isinulat ang mga tent na maaring sunod na kunin nila. "Ano ng plano?" tanong ni Froy. "We need a map or more specifically a blueprint to that Medical Center," diretsang sabi ko. "Baka makahingi ako ng favor kay Gale," sabi naman ni Minna. "Here's the plan. Mamayang gabi papasukin natin 'yong EGM Medical Center. We will look after their next victim so we can follow them," paglalatag ni Keil ng aming gagawin. "Teka muna, paano tayo makakapasok ng walang nakakakita sa atin?" pagtatanong ni Brenda. "Gaya ng dati. We will going to infiltrate. Me, Froy & Maggie tayo ang papasok sa Medical Center. Keil look out ka sa amin and try to connect thru their service. Brenda look out sa tent 1221, Minna look out ka naman sa tent 112 and Priam samahan mo si Keil sa tent. Make sure walang makakakita sa ginagawa ninyo," pag-aassig ko sa kanila. "Minna and I will do it alone?" hindi makapaniwalang tanong ni Brenda "I know you can do it Brenda, the both of you. I trust you and Minna. We trust you," sabi ko sa kanila ng may maliit na ngiti sa labi. "So, paano tayo makakakuha ng blue print at iba pang kagamitan para maisagawa iyang planong naiisip ninyo?" pagtatanong ni Froy. "Kaya nga eh. Hindi ba masyado tayong nagpapadalos-dalos? Hindi natin basta-basta mapupuntahan si Gale kahit na kakilala pa natin siya dahil sa mga sundalong nakabantay sa kung saan sila naroon," sabi pa ni Minna. Mukhang tama siya kaya hanggang sa maari ay kailangan naming pag-iisipan ang lahat ng aming kilos. "Ganito. Mamaya after nating kumain, magkukunwari akong hihimatayin. Ako ng bahala 'pag nakapasok na ako sa infirmary for sure nandoon si Gale nakadestino," sabi ko. "Isn't too dangerous for you to go alone?" pagtatanong ni Keil. "As long as we have Gale by our side makakasigurado tayong magwowork ang plano natin," kampanteng sagot ko. "Paano kapag hindi niya na tayo tulungan?" nababahalang tanong ni Brenda. "Then you have to trust me on this one. I can do it," sabi ko bago tumayo na at nag-ayos ng pagkain. "Pero Astrid..." pahabol pa na sabi ni Minna pero 'di ko na pinansin at nagpatuloy sa gawain. Buo na ang desisyon ko. I feel burdened dahil sa mga nangyayari sa amin and I should be responsible for it. I must be. Sa huli ay wala na rin silang ibang nagawa kun'di ang sumunod at mag-ayos ng aming umagahan. "Sure ka na ba?" nag-aalang pagtatanong sa akin ni Minna. "One hundred percent sure. 'Wag kang mag-aalala masyado. You know me more than anyone else. I know what I'm doing Minna," pagpapagaan ko ng loob niya. "Mag-iingat ka ah," paalala niya pa bago ako niyakap nang mahigpit. Alam ko naman na hindi siya sang-ayon sa mga binabalak ko pero alam kong alam niya na kailangan naming umaksyon sa mga nangyayari lalo na at nadamay na si Zeros. We have to save him. "Oo naman. Aalis pa tayo dito di'ba?" sabi ko pa. Nakita ko na nagsimulang mag-ayos na rin ang ibang mga tao ng kanilang umagahan. Halata sa kanila ang takot at lungkot sa mga nangyayari. Sino ba naman kasing hindi matatakot at malungkot na ganito na ang nangyayari sa mundo? Who wouldn't? Mabilis lang kaming natapos mag-ayos ng pagkain at umupo na kami paikot para kumain. Napansin ko ang bakanteng puwesto ni Zeros katabi ni Keil at mukhang gano'n din ang iba dahil sa sobrang pagtahimik nila. "Goodluck," mahinang bulong sa akin ni Maggie na hindi ko inaasahang sasabihin niya. "Thanks," nakangiting sagot ko na lang sa kanya. Parang ihip ng hangin lang kaming natapos sa pagkain at naghanda na para sa gagawin kong pag-arte. Dito ko na sisimulan ang aking gagawin. Mariing napapikit ako bago malalim na bumuntong hininga. You can do this, Ash. Habang nag-aayos kami ng gamit ay sinimulan ko na ang pag-arte ko. "Minna..." uutal-utal kong tawag sa kanya habang hawak ang noo ko. "Oh, Astrid ayos ka lang ba?" pakikisabay ni Minna sa akin kahit na mukhang nagulat pa sa biglaan kong pagtawag sa kanya. Nakita ko kung paano naagaw ang atensyon ng mga tao na malapit sa amin sa sinabing iyon ni Minna. "Hey anong nangyayari?" pagsasabay din ni Priam sa pag-arte namin. "Ang sakit ng ulo ko. Nahihirapan ako huminga," sabi ko habang umaarte at halos sumandal na kay Minna. Bigla namang pumunta sa kanan ko si Keil at kunwaring inaalalayan ako. "Ha? Teka maupo ka muna—Ash!" naputol ang dapat sasabihin ni Keil sa biglang pagsigaw ni Brenda ng umarte akong nahimatay. Mabuti at nasalo ako ni Keil na nasa gilid ko kun'di ay sahig ang bagsak ko. Narinig kong nagkagulo ang mga tao sa paligid namin at rinig na rinig ko ang paglapit nila kaya mas ginalingan ko pa ang pag-arte. "Juskopomaryosep!" "Tulong may nahimatay!" "Tumawag kayo ng tulong!" Ilan lamang 'yan sa narinig kong sigawan nila. Naririnig ko rin ang pag-arte nila Minna sa kabila mg sigawan. "Ash! Ano ba!" nakaramdam pa ako ng sampal na hindi ko alam kung kanino galing pero hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ang pag-arte. "Anong nangyayari dito?" sa wakas ay nakarinig na ako ng boses ng isang baritong boses ng sundalo. "Nahimatay po siya bigla. Tulungan niyo po kami," mangiyak-ngiyak na boses ni Brenda na sa tingin ko'y may kasama ng luha. Ibibigay ko na sa kanya ang korona ng pagiging best actress. Kidding. "Ikaw. Sumunod ka sa akin. Dalhin natin sa infirmary 'yan," narinig kong utos ng sundalo na ang tinutukoy siguro ay si Keil na nakahawak at alalay sa akin. Naramdaman ko ang biglang pagbuhat sa akin ni Keil pataas. "Tapos na ang palabas. Magsipasok na kayo sa kanya-kanya ninyong tent," sabi pa ng army bago nagsimulang maglakad si Keil papasunod sa sundalong lalaki. "Ang bigat mo," narinig kong mahinang bulong na reklamo ni Keil sa 'kin. Gusto ko umirap dahil sa sinabi niya at hambalusin siya. Pasalamat na lang talaga siya at umaarte ako ngayon. Sinabi ko ba kasing buhatin niya ako? Eh, hindi naman siya kasama sa plano talaga. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD