Unknown Disease
27 | Infirmary
_______________________________________
Astrid
Patuloy pa rin si Keil sa paglalakad habang buhat-buhat ako.
Hanggang sa maramdaman at narinig ko ang pagbukas ng pinto hudyat na nakapasok na kami sa loob ng building.
"Anong nangyari sa kanya?" rinig kong nababahalang tanong ni Gale, ang kaibigan ni Minna.
"Bigla na lang siyang nahimatay pagkatapos naming kumain," ang sagot ni Keil.
"Ikaw na ang bahala riyan. Mauna na ako," pagpapaalam ng baritong boses na sundalo.
"Halika ibaba mo siya rito," sabi ni Gale bago ako maingat na binaba at inihiga ni Keil sa malambot na kama.
Naramdaman ko ang palad niyang humaplos sa noo ko upang icheck ang temperatura ko.
Hinayaan ko muna siyang i-run ang test sa akin dahil hindi ako nakakasigurado kung protected ang lugar at may mga CCTV na nakapalibot sa buong kwarto. Kaya kailan kong manatiling umarte na unconscious.
"Her temperature is normal as well as her pulse. I don't see anything wrong with her. Siguro ay sa kakulangan sa pagkain at over fatigue dahil sa mga biglang pangyayari," sabi ni Gale bago narinig ko ang pagtayo niya mula sa pagkakaupo malapit sa akin.
"Is she going to be okay?" pagtatanong ni Keil at naramdaman ko ang kamay niya sa mga kamay ko.
Aba't may pahawak-hawak pa sa kamay. 'Di naman kailangan 'yon. Pero bigla akong nakaramdam ng paggalaw ng daliri niya sa kamay ko.
Morse Code. He's telling something to her about our plan.
Mabilis siyang nagtap sa kamay ko na halos 'di umabot ng minuto. Sa pagtap niyang iyon sinasabi niyang 'Help Us'.
"Uhm yes. She just need to rest for a while until she gets better," sagot ni Gale na sa tono ng boses ay tingin ko'y nakuha ang gustong iparating ni Keil sa kanya.
"Mabuti naman kung gano'n," naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa pisngi ko bago mabilis na nagsignal ulit kay Gale.
'We need you'
"Bring her to my deck since dadating na si Edna. There's no space here kung sakaling may isusugod ulit. We don't have much space in here. Follow me," sabi ni Gale na mukhang nakuha na ang nais iparating ni Keil.
Naramdaman kong muli ang bisig ni Keil na pumulupot sa aking bewang bago ako nito muling buhatin. 'Di ko maitatanggi na kahit na ang dami na naming pinagdaanan ang bango niya pa rin. Hindi nawawala 'yong kapit ng pabango niya. Sana lahat.
'Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa loob ng deck ni Gale nang makarinig ako ng pagbukas at sara ng pintuan. Narinig ko pa ang pag-lock nito bago tuluyang magsara.
"Wala ng CCTV sa paligid. You can stop the act," ani Gale.
At hudyat na iyon na pwede na kami makapagusap at itigil ko na ang pag-arte ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Medyo nahirapan pa ako sa pag-adjust ng mga mata dahil sa liwanag na sumalubong sa akin.
Una kong nakita sa pagmulat ng aking mga mata ang mga malalim na dagat na mga mata ni Keil na parang laging kalmado at ang kaniyang mga makakapal na kilay at ilong na parang hinulma sa tangos at mga labi niyang parang nakalipstick sa pula.
Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang pagtikhim ni Gale.
"Ibaba mo na ako," sabi ko at agad namang tumalima si Keil sa sinabi ko.
"Why do you need my help? What happened?" pagtatanong ni Gale sa amin.
Napansin ko nasa isang maliit na kwarto kami na halos puti, itim at silver lamang ang kulay at disensyo. Simple lang pero napaka elegante. Mayroong dalawang sofa na magkaharap at sa gitna ay isang mini table. Sa likod naman nito ay ang parang maliit na kusina at isang pintuan na sa tingin ko'y kwarto.
"It's about the blueprint," paunang sabi ko.
"Oh, don't tell me you already get the message?" pagtatanong niya na maririnig mo ang pagkamangha at the same time pagkabahala para sa amin.
"Yes. Alam na namin kung anong nangyayari. Kada bago bumuka ang araw ay may kinukuha silang mga tao upang gawing lab rat at dinadala ito sa EGM Medical Center," sagot ko sa naging tanong niya.
"They belittle the person's at the arena that much huh. Masyado silang kampante at mapaglaro," ang sabi ni Gale bago siya umupo sa sofang itim.
Akala ko ay wala siyang alam tungkol sa pamamalakad ng mga scientist pero mukhang mali ata ako.
"But I'm telling you, stop fusing around. You don't wanna involve with them," seryosong sabinniya sa amin.
"But they've got Zeros," sabi ko.
"What? Zeros your friend?" pagtatanong niya.
"Yes, and we need to get him back. That's why we need your help. We need the EGM Medical Center blueprint for us to be able to infiltrate the center," sabi ko pa sa kanya bago ako umupo sa kaharap na upuan na inuupuan niya gano'n din ang ginawa ni Keil na tumabi sa akin.
"Please. Help us Gale. You're our only connection we have here," I pleaded.
"Pero napakaimposible ng binabalak ninyo. Siguro madali ninyong nakuha ang hidden message nila pero hindi niyo basta-basta mapapasok ang center dahil lang may blueprint kayong hawak. Napakaraming bantay sa bawat station and besides, that center is the most protected and civilized area in here,"sabi niya na parang napakaimposible ng plano at binabalak namin.
"Kahit pa na ibigay ko ang blueprint eh mahihirapan pa rin kayo. How will you be able to get there without even caught by the army? Baka hindi pa kayo nakakalabas sa border ng arena ay nahuli na kayo," she added.
"That's why we're going to infiltrate the center. Kapag kukuhanin na nila ang sunod nilang target ay saka ito susundan ng dalawa naming kasamahan at kami ng bahala na papasok sa loob ang mag-aabang at kukuha ng suot ng mga sundalo. We will disguise ourselves into one of their army's to be able to get inside the center without even caught by any of them," paliwanag ni Keil sa aming plano.
"I'd once seen kung anong itsura ng mga sundalong kumuha noon sa mga tao at nakacover ang mga mukha nila kaya wala na 'yong problema. Pagkatapos no'n ay si Keil na ang bahalang gumabay sa mga susunod naming gagawin at magiging mata namin sa loob ng center gamit ang blueprint na hinihingi na," pagpapaliwanag ko naman.
"That's why we're here. We need you Gale. We need an equipments and blueprint ng center na 'yon na makakatulong sa pagsagawa ng mgq plano namin," sabi pa ni Keil na sinang-ayunan ko naman.
"No wonder kung paanong ganong kabilis niyong nakuha ang code. You guys are quite smart and keen observant," sabi ni Gale na mukhang sumang-ayon na para tulungan kami.
"Fine, I'll help, pero sa isang kondisyon," sabi niya na nagpatigil sa amin.
"What is it?" pagtatanong ni Keil.
"Don't be caught or else we're all screwed," sabi niya bago dumiretso sa pintuan na itim.
"Follow me," sabi niya na agad naman naming sinunod.
Bumungad sa amin ang isang maliit na kwarto na may kama at desk na may mga papeles kung saan doon dumiretso si Gale.
Agad niyang binuksan ang Cellpad na kinuha niya at may kung anong binuksan siya na file ro'n. Habang kami naman ni Keil ay nakamasid sa magkabilang gilid habang pinapanood ang kaniyang ginagawa.
Ang Cellpad ay parang tablet pero kapag binuksan mo siya ay isang holograph ang lalabas imbis na screen. Ito ang computers at laptop version sa panahon ngayon. Miski ang keyboard niya ay holograph na rin kaya napaka convenient niyang gamitin. Bukod sa handy ay madali siyang gamitin.
Mabilis ang pagkakatype niya at nakita na lang namin ang pagbukas niya ng isang file kung saan nakita namin ang sadya namin na nakadisplay sa malaking holograph. Ang blueprint ng EGM Medical Center.
Agad niyang prinint ang picture ng blueprint bago kami inaya muli palabas ng kwarto.
"Here's the blueprint. Promise me na iingatan niyo 'yan. Walang puwedeng makaaalam na binigay ko sa inyo ang blueprint na 'yan and here, have it. That's my spare cellpad at HW," inabot niya sa amin ito na agad naman naming tinanggap.
"Makakaasa ka Gale. Sobrang laking tulong 'yong binigay mo sa amin. Thanks a lot," I sincerely thank her.
"Basta 'yong sinabi ko. 'Wag kayong papahuli. Ibalik niyo si Zeros ng buo," sabi niya pa.
Sana nga maibalik namin si Zeros. No, bakit sana? Dapat, dapat maibalik namin si Zeros ng buo at buhay.
Nanitili muna kami dito ng mga ilang minuto dahil baka magtaka ang lalaki kanina na ang bilis namin masyadong bumalik.
"May alam ka ba sa balita kung ano ng nangyayari sa ngayon?" pagtatanong ni Keil na nakakuha ng atensyon ko.
"To be honest with you, patagal ng patagal ay mas lalong lumala ang lahat. I know anytime soon ay mauubusan na ng supply ng pagkain at mawawalan na kami ng kontrol sa lahat," sabi niya namababakas ang pagkabahala.
"How about the cure? Is there any progress about it?" pagtatanong ko rin sa kanya.
"Actually wala rin akong alam kung anong nangyayari na dahil hawak ng mga McNate ang paghanap sa cure. Sila lang ang makakasagot diyan. Besides halos walang nakakarating sa aming impormasyon na galing sa center. Ang huli kong naalala ay 'yong hidden messages na hindi ko sinasadyang marinig pa," sagot ni Gale habang tutok na tutok naman kami ni Keil sa kanyang bawat sagot.
"Piling tao lang ang nakakatapak sa center na 'yon dahil gaya nga ng sabi ko, iyon ang pinakacivilized na lugar dito. Kahit sa amin na kasamahan ay hindi basta-basta sinasabi ang mga nangyayari sa loon but we know there's something more happening outside the arena,"sabi niya na napagtahimik sa amin.
Habang kausap namin siya ay iisa lang ang pumapasok sa utak ko. I need to find my family. Sila lang ang makakasagot sa mga tanong ko at makakatulong na makapagpalabas sa amin dito.
Pagkatapos ng naging usapan namin ay inaya na kami ni Gale na bumalik na dahil magtatanghali na at shift niya ng muli sa infirmary.
Kaya agad kaming sumunod sa kanya. Pagkabukas pa lamang ng pinto ay nagsimula ng muli kaming umarte.
Nakaalalay sa akin si Keil habang nakakapit ako sa kanyang braso. Kanina ay tinago na namin ang mga binigay ni Gale sa amin. Nakaipit sa ilalim ng damit ni Keil ang cellpad habang inipit ko sa may bewang ko ang HW at sa ilalim ng damit ang blueprint para hindi nila mapansin.
Napagmasdan ko na ang buong lugar dahil kanina ay nakapikit lang ako. Simple lang ito na puro puti ang makikita at puro pintuan. Mayro'ng na ka-label sa taas na Medicine room, Tehnical room atbp. Nagpatuloy lang kaming maglakad sa hallway na puro pinto bago binuksan ni Gale ang malaking pinto sa harap na nakalagay ang infirmary at bumungad sa amin ang mga kama at ang isang babaeng nakaputing coat katulad ni Gale na nakaemboso ang Edna sa kanyang nameplate.
"May dala ka atang pasyente?" tanong ni Edna, ang katrabaho niya.
"Alam ko kasing ayaw mo ng may pasyente na nandidito kapag shift mo na. Kaya minabuti kong isama na lang," sagot naman ni Gale.
"Sige na ihatid mo na sila. Maglulunch na muna ako. Ikaw ba?" pagtatanong pa ni Edna kay Gale.
Kami ni Keil ay nakatingin lang at nakamasid sa kanilang dalawa.
"Susunod na lang ako," sagot ni Gale.
"Sige. Seeyah," paalam ni Edna at kumakaway na umalis.
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad sa pangunguna ni Gale.
"Hanggang dito na lang ako. Mag-iingat kayo," ang paalala ni Gale bago kami tuluyang makalabas ng building at makabalik sa labas kung nasaan ang mga tent at tao.
Isa lang ang sigurado ako. Walang alam si Gale sa nangyayari kahit ang iba pang facilities na nandidito. Tanging mga tauhan sa EGM Medical Center lamang ang nakakaalam ng lahat pa tungkol sa pagfafacilitate ng mga scientist. Akala ko kanina ay alam niya ngunit sa mga na ikwento niya ay mukhang wala talaga silang alam.
Bakit? Bakit kailangan nilang itago at pagtakpan ang mga nagyayari maski sa mga kasamahan at tauhan nila? May tinatago ba sila?
I badly need to see my famil. Sila lang ang makakasagot sa akin. Pero bago ang lahat kailangan muna naming iligtas at kunin si Zeros mula sa kamay nila.
Antayin mo kami Zeros, ililigtas ka namin.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆