Fraught with Peril

1504 Words
Unknown Disease 28 | Fraught with Peril _______________________________________ Astrid "Ako na ang bahalang gumabay sa inyo papasok sa center," ang sabi ni Keil. Kasalukuyan kaming nag-uusap patungkol sa aming magiging plano para mamaya. Bagamat nakapagplano na kami kanina ay kailangan pa rin naming ipulido ito para hindi mabulilyaso ang aming mga gagawin. Kailangan naming makasiguradong makakapasok at makakalabas kami ng hindi nahuhuli. "Talaga bang wala akong gagawin? I can help," sabi ni Priam na naagaw ng atensyon naming lahat. "You know you can't Priam," seryosong sagot ko sa kanya. "Bakit? Dahil sa sakit ko? Don't you trust me? I can handle myself like you always do Ash. Hindi ko naman ipapahamak ang sarili ko at kayo sa pagtulong ko," turan niya pa at nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Napaiwas ako ng tingin. Alam kong ayaw niyang walang gagawin kasi nararamdaman niyang useless siya at pabigat at alam ko kahit ako ang nasa posisyon niya ay gano'n din ang mararamdaman ko. Napahinga ako nang malalim bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Fine. Gaya nila Minna at Brenda ay susundan at babantayan mo rin ang tent na target nila," sabi ko at nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya sa sinabi kong iyon na bahagyang ikinangiti ko. Nagpatuloy lang kami sa pagpaplano hanggang sa napulido na ang lahat at napagpasyahan na ng iba na lumabas. Kami na lang ni Keil ang natitira sa loob. "Na access mo na ba ang system nila?" pagtatanong ko habang chinecheck ang kanyang ginagawa. "Almost there," sagot niya at ilang minuto bago ko makita sa holograph ang access granted. Mabilis niya lang na access ito at isa-isa nang naglabasan ang mga file kung saan nakita namin ang CCTV ng buong pasilidad ng arena, pero ang mas nakaagaw pansin at interest sa amin ay ang center. Hindi ko na kailangang sabihin pa sa kanya dahil kaagad niya nang pinunta ro'n ang focus ng CCTV. Nilibot ko ang mata ko at isa-isang inalisa ang CCTV pero nagtataka ako dahil 'di ko makita ang pamilya ko maging si Zeros. Sigurado bang dinala nila rito si Zeros? Bakit parang hindi namin siya makita? Asan siya? Pinatuloy ko lang ang pagtingin hanggang sa may mapansin akong mali. "Keil i-focus mo nga sa cam 23," utos ko na agad niyang ginawa. Gaya ng hinala ko, lumaki ang frame ng CCTV cam at nakita na namin ang buong kwarto. Kailangan mo pang i-focus mula sa mismong cam para makita ang kabuuan ng kwarto. Inisa-isa naman namin 'yon hanggang sa makarating kami sa cam 35 kung saan nakita namin ang nakagapos na si Zeros. Sa gilid niya ay nakita ko ang isang matandang lalaki na kasama niya sa loob. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa anggulo ng camera, pero alam kong nakatali rin siya tulad ni Zeros. Nakapokus lang ako sa kanila hanggang sa makita namin ang pagbukas ng kwarto hudyat ng pagpasok ng tao sa loob. Doon ko nakita ang mga nakamask at nakaputing mga tauhan na dinala ang kasama ni Zeros papalabas. Pumipiglas pa ito sa pagkakakuha sa kanya, pero hindi niya magawa dahil sa mga gapos niya sa kamay. Wala kaming naririnig sa nangyayari sa loob. Tanging mata lang ang mayroon kami. Nakita ko ang pagsalita ni Zeros at ang pagkausap ng babaeng nakacoat at blonde hair sa kanya habang hinahaplos ang kanyang mga mukha. Mababakas sa mukha ni Zeros ang pagkawala niyang pakialam sa ginawa ng babaeng 'yon. Seriously? May oras pa siya para makipaglandian? U ok sis? "Wait. Is that Sierra?" napatingin naman ako kay Keil nang sambitin niya iyon. Sierra who? "f**k it's her. What the hell she's doing there?" mukhang nagulantang naman si Keil sa mga nakikita niya. Nakita ko ang paglabas ni Sierra na tinutukoy ni Keil at naiwang mag-isa si Zeros sa kwarto. Nacucurious na ako malaman kung sino ba si Sierra dahil mukhang napakaimportanteng tao ito sa kanila, pero imbis na magtanong ay minabuti kong itikom na lang ang bibig ko. Ano bang pakialam ko sa mga ganyang bagay? Wala naman ako sa lugar para panghimasukan ang ganyang mga usapin. Muli kong binaling sa CCTV ang atensyon ko at muling sinuri ito para makita ang kinaroroonan ng pamilya ko. Hanggang sa makita ko sila na magkakasamang sa loob ng isang opisina. Mukhang problemado si Mom dahil sa pabalik-balik niyang lakad. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari dahil nga wala kaming naririnig pero alam kong may problema base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha. Nilipat na ni Keil ang cam matapos kong makumpirma ang kinororoonan nila Mom nang matigilan kami sa nakikita namin sa ika-anim na pu't anim na kamera. Malinaw naming nakikita ang isang malaking lab kung saan nila isinasagawa ang kanilang mga eksperimento. Nakita ko rin ang mga walang malay na tao sa loob ng isang malaking apparatus. Anong balak nilang gawin sa kanila? Agad nalihis ang tingin ko sa mga apparatus ng biglang bumukas ang pintuan sa gilid kung saan niluwa nito ang mga nakaputing tao bitbit-bitbit ang lalaking kasama kanina lamang ni Zeros. Walang pag-aalinlangang nila itong pinaupo at pilit na kinuhaan ng dugo sa kabila ng kanyang pagpupumiglas. Nahagip din ng tingin ko ang pagtusok nila ng kulay dilaw na na likido na nakapagpakalma sa nagwawalang lalaki. Sinenyasan nang tinawag ni Keil na Sierra ang kanyang mga kasamahan bago nila inilipat ang kalmado ng lalaki ngayon sa panibagong upuan kung saan natatanaw ko ang napakaraming kagamitan na nakalagay na hindi ko masyadong makita dahil sa layo nila sa frame. Matamang sinundan ko ang kanilang bawat kilos na ngayo'y kinakabitan na ang lalaki ng hindi ko matukoy na tubo. What's that for? Mukha siyang dialysis machine pero hindi. Nagsimulang umilaw ang kinauupuan ng lalaki at nakita ko kung paano nagsimulang dumaloy ang likidong nanggagaling sa tubo papunta sa kanyang balat. Napasinghap ako nang makita ko kung paano nagsimulang magwala ang lalaki dahil sa patuloy na pagdaloy ng likido sa kanyang balat. Kitang-kita ko kung paano naglabasan at maging visible ang ugat niya sa katawan. Tangina. Anong ginagawa nila sa kanya? Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makita ko kung paano may lumabas na dugo mula sa bibig nang nagwawalang lalaki. I can't finish it. This is too much. Ngayon ako nagpapasalamat na wala itong sounds dahil hindi ko kaya na mapanood at marinig siyang nahihirapan. Agad akong lumabas ng tent para magpahangin at maialis sa isipan ang mga nakita. We need to get Zeros out immediately or else gano'n din ang kahahantungan niya and I won't allow it to happen. "Hey. You okay?" pagtatanong sa akin ni Froy ng mapansin akong lumabas. "Yeah. I'm fine," sabi ko na lang. Mabuti ng hindi ko sabihin ang nakita namin. Mas mabuti na iyon para hindi malihis ang iniisip nila sa pagligtas kay Zeros and I also need to focus. Kahit may tanong sa akin kung sino nga ba si Sierra. Mabilis na lumipas ang oras at magmamadaling araw na. Halos hindi kami nakatulog dahil sa pag-antay sa oras. Nagsimula na kaming maghandang lahat para sa aming gagawin. Magkakasama kami ni Froy at Maggie sa tent ng mga lalaki kasama si Keil habang sina Priam, Brenda at Minna ay nasa tent naman naming mga babae. Dala-dala ni Priam ang Hologram Watch na ibinigay ni Gale para maiguide sila ni Keil nang maayos sa kani-kanilang target na pupuntahan. Hinihintay na lang namin ngayon ang bell na tumunog. Ito ay tumutunog sa buong arena kada lumilipas ang isang oras. Sa gano'ng paraan namin nalalaman ang oras sa loob ng arena. Bakas sa mukha nila Froy at Maggie ang kaba sa gagawin namin. Kanina ko pa rin napapansin ang 'di mapakaling si Keil. Nawala ang pagkakalmado at relax niya kahit pa napakarami na naming napagdaan mula no'ng nakaraang araw pa. Pansin ko na simula iyon nang makita niya si Sierra, pero hinayaan ko na lamang at pilit hindi ito pinapansin at pinagsawalang bahala na lang. Isang maling aksyon namin ay baka mapahamak kami. Napakadelikado ng aming gagawin and we all know the danger we're about to face. Maging ako ay ramdam ang kaba at takot sa aming gagawin ngayon but we have to do this. This the only way we can save Zeros. I really hope we'll be able to get in and out safely. Narinig na namin ang bell, hudyat na paghahanda namin. Sa maliit na singaw ng tent ay nakita namin na isa-isa ng lumabas ng tent sila Minna. Nag-hintay kami ng mga ilang minuto bago kami naman ang naghanda sa paglabas. "Guys. Ready na ba kayo?" Froy asks. Tumango lang ako bilang sagot. "Let's go," ang aya ni Maggie bago nauna na sa paglabas ng tent. "Mag-iingat kayo. Stick to the plan," pahabol ni Keil bago kami tuluyang makalabas. Sinigurado kong nakasarado ang tent bago ko tuluyang tahakin ang daan papalabas. Wait for us Zeros. We're gonna get you outta there. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD